^

PSN Opinyon

Killer highway

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MADALING intindihin kung bakit “killer highway” ang bansag sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Napakaraming aksidente na ang naganap sa kalsadang ito. Mga banggaan, nasasaga-saang mga tao, mga rumarampa sa mga konkretong gutter, lahat na! Napakalapad kasi ng kalsadang ito kaya hindi nakakapigil ang anumang sasakyan na manggigil at magpatakbo nang matulin! Hindi pa naman maliwanag ang kalye, kaya hindi nakikita ang mga taong tumatawid, kahit may mga footbridge! Mga motorsiklo rin na kung tumakbo parang wala nang ibang sasakyan sa kalye! At nandiyan ang mga walanghiyang walang mga utak na drayber ng pampublikong bus na ang alam lang ay magpatakbo nang magpatakbo. Optional lang ang preno sa kanila!

Hindi rin nakakatulong ang mga masasamang disenyo ng mga U-turn slots sa kalsadang ito, salamat sa dating pamumuno ng MMDA, na kilalang Mr. Pink U-turn. Halos kalahati ang kinain na kalsada ang mga gutter, at isang karatula lang ang nakalagay para ituro na may U-turn nga! Kaya maraming sasakyan ang rumarampa sa mga gutter na iyan!

Di ko rin talaga maintindihan ang mga tao na nagpupumilit tumawid sa malapad na kalsadang ito. Maraming footbridge naman. Parang mga tumatawid ng C-5. May harang na nga ang gitnang island, ginagawan pa rin ng paraan para makatawid kahit may footbridge din! At kapag nasagasaan, kasalanan ng drayber.

Kung alam naman ng PNP at MMDA ang mga problema ng Commonwealth Avenue at natatawag nang killer highway, bakit hindi pa gawan ng mga solusyon? Mga maliwanag na poste ng ilaw. Pagpapatupad ng mahigpit na pagbabawal sa pagtatawid. Hulihin kaagad ang mga magpapatakbong sasakyan. Kung may quota sa tiket ang mga pulis, mabilis maaabot ito sa Commonwealth! At tibagin at gawan ng bagong disenyo ang mga U-turn gutters na iyan, o tanggalin nang tuluyan! Pag-aralan kung talagang kailangan ang mga U-turn slots at baka masyadong marami naman. Kayang gumawa ng mga solusyon kung tututukan nang maayos.

vuukle comment

COMMONWEALTH AVENUE

HULIHIN

KAYA

KAYANG

KUNG

MARAMING

MR. PINK U

NANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with