TAONG 2010, sinimulan ng BITAG ang isang kakaibang imbestigasyon hinggil sa isang herbal food supplement.
Ito ay dahil sa hamon ng isang herbalista na si Rey Herrera na sa loob ng 90 araw na pag-inom ng King’s herbal hindi na magpapaputol ng mga sugatang paa ang isang pasyenteng may malala nang diabetes.
Nilahukan ito ng mga Pilipino sa buong bansa na may diabetes ,at pinayuhan na ng kanilang mga doktor na sumailalim sa “amputation” o pagpuputol ng paa dahil sa malalang sugat ng mga ito.
Ang mga pasyenteng tumugon sa imbestigasyong ito ay mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at iba pang karatig probinsya.
Sa loob ng 90 araw, binigyan ng libreng supply ng REH herbal food supplement ang mga pasyenteng lumahok.
Dinodokumento ng BITAG ang anumang progreso sa sugat ng mga pasyente tuwing ika-tatlumpo, animnapu at siyamnapung araw ng pag-inom ng REH herbal.
Mula mismo sa mga pasyenteng lumahok, magbibigay sila ng testimonya sa kung anong pagbabago ang kanilang naramdaman tuwing ika-30 araw.
Bawat pasyente, pumirma sa isang waiver o kasunduan para sa mga panuntunan ng imbestigasyong ito.
Sa kabuuan para sa taong 2010, tatlumpo’t dalawang pasyente na ang lumahok sa case study o 90 day trial ng bitag para sa REH herbal food supplement.
Labing-isang pasyente lahat-lahat ang matagum-pay na nakatapos ng 90 araw at nagkaroon ng magandang resulta sa kanilang kalusugan.
Labing-apat naman ang hindi pinalad na matapos ang imbestigasyong ito dahil sa anumang kadahilanan nawalan na ng komunikasyon sa BITAG ang mga pasyenteng ito.
May mga napatunayang may nilabag sa mga pata-karang nakasaad sa waiver na kanilang pinirmahan at may ilan namang nagdesisyong umatras at pinili na lamang na magpaputol ng paa.
Tatlong pasyente naman ang hindi rin nakatapos ng 90 araw dahil sa kanilang hindi inaasahang pagpanaw.
Sa kasalukuyan, mayroon na lamang pitong kalahok pa ang sumasailalim pa rin sa 90 day trial ng REH herbal food supplement..
Layunin ng BITAG na tugunin ang hamon ng herbalistang si Ka Rey Herrera na ipakita ang bisa ng kanyang herbal na ang magpapatunay mismo ay ang mga pas-yenteng sumali sa imbestigasyong ito.
Patuloy pa rin ang pag-oobserba at pag-iimbestiga na ginagawa ng BITAG sa mga pas-yenteng lumahok sa imbestigasyong ito.
Anumang pagbabagong magaganap sa mga kasong ito na kasalukuyan pang inoobserbahan ay ating aabangan hanggang sa susunod na taon.
Paulit-ulit na pinapaalala ng BITAG na ang food supplement na ito ay hindi gamot na maaring gamitin na alternatibo na panlunas sa mga karamdaman.