^

PSN Opinyon

Si Willie at ABS-CBN

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGING multi-millionnaire si Willie Revillame sa ABS-CBN dahil yumaman umano ng todo-todo ang host, nakabili ng mga mansyon at mga mamamahaling sasakyan, dahil sa network.

Sabi ng mga bright, kung hindi daw ipina-host ng ABS-CBN kay Willie ang Wowowee ay hindi niya mararating ang super­stardom na resulta raw ng laki ng mga papremyong ipinamimigay sa naturang show na kinansela ng ABS-CBN.

Madlang people tama ba o mali? Kayo ang maghugas este mali humusga pala!

Sabi ng mga bright people, kung million of presos ang kinita ni Willie sa Wowowee, billion of pesos  naman ang ipinasok niya sa ABS-CBN dahil halos magpatayan ang mga advertiser makasingit lang sa show ng komedyante.

Tama ba o mali? Kayo ang humusga! Kaya siguro walang utang na loob na dapat tanawin si Willie sa ABS-CBN dahil di lang sarili niya ang pinayaman niya, kundi pati ang ABS-CBN.

Totoo kaya ito? Kayo ang humusga!

Nabili na ni Willie ang mga pangarap niya sa buhay at nakakapamahagi pa ng grasya sa mga mahihirap, iyan ay katas ng pawis niya.

‘Sana maayos na ang problema nila,’ sabi ng kuwagong api.

‘Oo nga, tapusin na ito.’

Abangan.

Magkahalong galit at lungkot ang nakita ng madlang people kay Pang. Noynoy matapos “barilin” ng Korte Suprema ang Executi­ve Order No. 1 na lumikha sa Truth Commission. 

Kung mayroong binitiwang pangako si P-Noy noong kam­panya na gusto niyang tuparin, ito ay ang paghahabol sa mga tiwali­ sa nakaraang rehimen ni GMA at pagbusisi sa katotohanan sa mga ibinibintang na mga anomalya niya at kanyang mga kabig.

Kaya lang mukhang  “sablay” daw ang dikreto ni P-Noy, ayon sa ating mga mahistrado na ang mga posisyon ay parang utang daw kay Gloria.

Andyan ang Ombudsman pero ginawa pa rin ni P-Noy na ang Truth Commission:mukhang alaws siyang tiwala sa ilang official nito tulad kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Kung ang ‘past performance’ ng Ombudsman ang pagba­batayan,dapat lang talaga na pagdudahan ang kakayahan nitong hubaran ang mga tiwali at tuldukan ang mga katiwalian sa pamahalaan.

Una sa nakita nating halimbawa ay ang “pagwawala” ng pumanaw na si Senior Insp. Rolando Mendoza sa Luneta noong Agosto 23, sampung turistang ang natigok.

Alam na ngayon ng lahat na “naburyong si Mendoza dahil sa sobrang bagal ng Ombudsman na maresolba ang kanyang kaso.

At kung “usad-pagong” ang ginawa ng Ombudsman sa kaso ni Mendoza at sa kaso ng maraming iba pa,

May reklamo rin na mistulang ‘Bicol Express’ naman ang ginawa nitong pagbasura sa kaso ng mga opisyales ng Home Guaranty Corporation (HGC), sa pangu­nguna ng ex-president nito na si Gonzalo Benjamin Bongolan.

Alam ninyo ba, noong lang umanong Hulyo sinampahan ng kasong  katiwalian itong si Bongolan at mga kasabwat, kapwa opisyal niya, pero lumakad lang umano ang mahigit na tatlong buwan ay “nabanlawan” na agad sila ng nasabing graft office.

Sa madaling salita, dahil ‘simputi’ na ngayon ng bagong labang damit ang rekord nina Bongolan, puwede pa silang kumubra ng mga benepisyo sa ginawa nilang kwestyunableng pagpapatakbo sa HGC.

ALAM

BICOL EXPRESS

BONGOLAN

GONZALO BENJAMIN

HOME GUARANTY CORPORATION

NIYA

P-NOY

TRUTH COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with