NAIA press nag-walkout!

NOONG Thursday lunch time nagkita-kita ang mga NAIA reporters sa boardroom ng paliparan dahil inimbita sila ni NAIA general manager Bodet Honrado sa isang salu-salo dahil ang okasyon ay Christmas party para sa mga mamamahayag kaya may mga give-aways at pa-raffle na nakahanda.

Kuwentuhan umaatikabo, bidahan at iba pa kaya sa puntong ito sabi ni Bodet may bad news akong sasabihin sa inyo mga reporter kaya kumain na kayo para pagkatapos ang malungkot na balita.

May mga isinusumbong este mali isinusubo palang pagkain ang ilang reporter ay inumpisahan ni Bodet ang bad news dahil sa January 2011 ay hihigpitan niya ang pagpasok ng media sa lahat ng terminal ng NAIA.

Sabi nga, hanggang lobby ng mga terminals na lamang ang kanilang access pass.

Naku ha!

Bakit?

Lilimitahan ni Bodet ang galaw ng media sa paliparan at hindi na sila puwedeng magpunta sa mga restricted places sa madaling-salita, ayaw ni Honrado na pagala-gala ang media para makakuha ng mala­limang balita sa airport.

Marami kasing hiwaga ang nagaganap sa paliparan. Malaliman ang operasyon ng mga sindikato dito na kinasasangkutan ng ilang bugok na opisyal sa NAIA tulad ng pagpupuslit ng dollar palabas ng Philippines my Philippines, pagpasok at paglabas ng mga illegal drugs, human trafficking, echetera.

Mahigpit na ipinagbabawal ni Honrado ang ‘no facilitation’ sa lahat ng taga-airport.

Sabi nga, bawal ang sumalubong at asistihan ang salubong.

Hindi ang ‘no facilitation’ issue ang pinalagan ng mga reporters sa gusto ni Bodet kundi ang ‘restriction’ sa kanilang trabaho!

Sabi nga, pinipigilan!

Dahil sa pangyayaring ito, nag-WALK-OUT ang majority ng mga miyem­bro ng media sa Christmas party ni Honrado nang hindi maipali­wanag ng kontrabida, este mali, huli pala kung bakit mula sa Enero 2011 ay nais niyang higpitan ang pagpasok ng media sa pangunahing paliparan ng Philippines my Philippines.

Agad namang inihayag ng grupo ng mga mamamahayag ang kanilang reserbasyon at pagtutol sa pahayag ni Honrado lalo na nga’t walang restriksiyon sa media coverage sa kanino mang administrasyon kahit noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

HIndi dapat kasi bigyan ng restriction ang media sa kanilang coverage,­ paano nila magagawa nang maayos ang kanilang trabaho kung ganito ang gustong mangyari ni Bodet na hanggang lobby na lamang ang kanilang access pass.

Anong balita ang makukuha sa lobby na ang karamihan sa makakasama nila sa nasabing lugar  ay mga hotel representatives na sumasalubong ng kanilang hotel guests.

Sabi pa ni Honrado, kung may balita sa loob ng arrival o departure area ng paliparan puwede rin kumober ang media basta magpunta sa media affairs department, magpapalit ng kanilang media access at presto makakapasok din sila.

Naku ha!

Bakit ganito?

Sinabi ni  National Press Club President Jerry Yap,  ikinagulat niya ang pahayag ni Bodet at labis niyang ipinagtataka kung bakit sa panahon pa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, magaganap ang restriksiyon sa media na nakatalaga sa NAIA.

Si P. Noy ay anak ng freedom fighter na si dating Sen. Benigno Aquino Jr., at democracy icon former President Corazon Aquino.

‘Mukhang masama ang loob ni Honrado sa media, bakit kaya?’ Tanong ng kuwagong urot.

‘Binanatan kasi ng ilang airport media ito!’ Sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Bakit?’

‘Tungkol sa isyu noon kay Junior de Guzman.’

‘Ano iyon?’

‘Kayo na ang magtanong kay Bodet.’

‘Ano nga, para ka namang others?’

‘Regarding sa mga dalang boga ni Junior,’ sabi ng kuwagong maninipsip ng tahong.

‘Ah ok!’

* * *

Death threat ni Joel Egco

BINABANTAAN ng isang nagpakilalang Darwin si NPC director Joel Egco, chairman ng Press Freedom Committee sa National Press Club of the Philippines my Philippines.

Yesterday, ikinuwento ni May Briones, NPC secretariat staff, na dalawang beses siyang nakatanggap ng tawag sa phone ng isang Darwin at hinahanap si Egco.

Sa huling tawag ni Darwin, binantaan na nito si Egco na mag-ingat sa mga ginagawa nito.

Ibinulgar the other day ng NPC ang escape plan ng mga Ampatuan regarding sa P150 million bribe money para makatakas sa jail.

Si Egco, ang naatasan mangalkal ng nasabing plano matapos mag­salita sa kanya at kumpirmahin ni BJMP director Rosendo Deal ang nasabing plano.

Sabi nga, escape from BJMP!

Kung ang mga taga-NPC at media ang tatanungin, ang parating nila kay Darwin, huwag ka nang madaldal ituloy mo ang pananakot mo!

Ika nga, kapag mababaw ang tubig, maingay!

Show comments