^

PSN Opinyon

Tama at ligtas na hanapbuhay

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISA ang patay at walo ang sugatan sa pagsabog ng pabrika ng paputok sa Bulacan. Ilegal na pabrika ng paputok. Malapit na naman ang Bagong Taon kaya buhay na naman ang industriya ng paputok ng Bulacan at iba pang lalawigan. Karamihan sa mga pabrikang ito ay walang permit. Kahit sa mga maliliit na bahay kasi puwede nang gumawa ng mga paputok. Pero dahil nga tago at walang mga gabay ukol sa kaligtasan, aksidente ang laging katapat. At kadalasan ay mga katabing tahanan o lugar ang napipinsala!

Mahirap din ang industriya ng paputok. Bukod sa isang beses sa isang taon lang sila nakakabenta talaga, matindi pa ang peligroso sa paggawa ng mga ito. At matindi na rin ang kumpetensiya mula sa mga malalaking pabrika, ma-ging sa Pilipinas o mga paputok mula sa China! Katwiran ng mga malilit, iyan lang ang alam nilang hanapbuhay, kaya kahit peligroso at ilegal, patuloy pa rin.

Hindi lang ang paggawa ng paputok ang peligroso. Marami diyan, katulad ng mga pedicab at kuliglig. Peligrosong bumaybay sa mga malalaking kalsada. At bawal nga sila sa mga pangunahing kalsada. Mabibilis tumakbo ang mga sasakyan kaya wala silang laban kapag nabundol na! Pero patuloy pa rin dahil daw iyon lang ang alam nilang hanapbuhay. Ang mahirap din kasi sa mga opisyal ng gobyerno, tila kinukunsinti muna hanggang may masamang mangyari. Kapag may nangyari na, saka pa lang sasabihin na bawal ito o bawal iyan, at kakasuhan ang may kasalanan.

Dati, bawal magtinda ng mga parol at ano pang dekorasyon sa kahabaan ng Granada St. sa Quezon City. Natatandaan ko, nasa balita pa ang pag-demolish ng mga tinayong tindahan. Pero tila kinukunsinti na lang ng lokal na pamahalaan at ng MMDA. Sigurado, hanapbuhay na naman ang dahilan.

Walang masama sa paghahanapbuhay. Mabuti pa nga iyan kaysa gumawa pa ng masama. Pero dapat may mga sinusundang batas, gabay, patakaran, proseso. Anong halaga ng paghahanap-buhay kung peligroso naman at buhay naman ang kapalit? Pasko at Bagong Taon pa naman!

ANONG

BAGONG TAON

BUKOD

BULACAN

DATI

GRANADA ST.

PAPUTOK

PERO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with