'In Search for Truth.'(1st Part)
NAGAWA na ng BITAG ang mga di-pangkaraniwang hakbang sa larangan ng imbestigahan.
Lalo na sa mga nakakabahala at walang katapusang mga kaso ng HULIDAP kung saan mga otoridad, partikular na ang mga pulis ang nasa likod nito.
Kabisado na ng isang Juan Dela Cruz ang modus na HULIDAP. Huhulihin ang isang tao sa kasalanang hindi niya ginawa, kadalasan, droga.
Paplantahan ang kanilang subject ng mga sachet ng shabu o cocaine at palalabasing nakuha ito sa katawan ng biktima.
Dadalhin sa presinto tatakutin na walang piyansa ang mga kasong may kinalaman sa droga.
Kaya kung gusto nilang makalaya, magbayad na lamang sa perang hihingiin ng mga les-pung HULIDAP. Malinaw sa salita pa lamang, HULI at HOLDAP, HULIDAP.
Halos lahat ng kaso o project na tinatrabaho ng mga otoridad ay nagsisimula sa isang impormasyong ibinabato sa mga pulisya ng kanilang mga asset.
Nakasalalay ang tagumpay sa paglutas ng isang kaso, maging pagtimbog sa mga personalidad o grupong target ng mga otoridad sa bawat impormasyon ng asset.
Tinatawag nila ang mga impormasyong ito na infor-mation reference. Ganito rin ang nangyayari sa mga kaso ng HULIDAP.
Inaabuso ang sistemang ito kung saan sadyang isinasama ang mga inosenteng suspek sa info reference. Nakapaloob dito ang mga kaso ng HULIDAP na inilapit sa BITAG.
Ilan sa matitinding kaso ng HULIDAP na trinabaho ng BITAG, ay ang HULIDAP Kamuning kung saan naabutan pa ng BITAG ang mga Station 9 police na humuli sa isang Muslim na negosyante.
Nagpulasang parang mga daga na nakakita ng pusa ang mga kolokoy. Dahil rin sa kanilang asset/ striker nabuking ang mo-dus na kanilang ginawa sa pobreng biktima.
Sa harap mismo ng hepe noon ng Station 9 sa Kamuning Quezon City, napilitang umamin ang asset dahil sa magkaibang kuwento nito sa paghuli sa biktima at sa report na ginawa ng mga pulis.
Marami rin ang nagtiim-bagang sa galit nang mapanood ang kaso ng isang ginang na ginahasa sa isang motel resort sa Taytay Rizal. Ang nasa likod, pulis Hilltop…
May karugtong…
- Latest
- Trending