^

PSN Opinyon

'I love you Gah!'

- Tony Calvento -

Nakatanggap kami ng tawag sa aming programa sa radyo Hustisya Para sa Lahat mula sa dalawang babaeng nakakulong sa Eastwood, Police Station Libis, Bagumbayan Quezon City.

“Tulungan n'yo po kami, kinulong po kami rito… magnanakaw raw kami,” sabi ng caller.

Nagpakilala silang sina Ailyn Cabulit, 25 anyos at Mariel Mangrubang, 21 taong gulang, parehong kasambahay.

Puslit na tawag lang ang ginawa ng dalawa. Bawal kasi ang ‘cell phone’ sa kulungan. Hindi magkaintindihan ang aming ‘staff’ na si Aicel Boncay at si Ailyn kaya’t pinapunta niya ang kan­yang magulang sa amin. 

Makalipas ang ilang araw, nagpunta sa aming tanggapan ang magulang ni Ailyn na sina Erlinda at Alejandro Cabulit. Inilahad nila ang buong pangyayari

“Nagnakaw daw ang anak ko ng napakalaking halaga ng pera, mamahaling relo (Rolex watch), singsing na may diamante (diamond ring). Kasabwat daw ng anak ko ang kasamahan niya sa trabaho na si Mariel. Binansagan nilang tomboy ang aking anak at itong si Mariel ang kanyang bata,” pahayag ni Erlinda.

Patunay sa kanilang relasyon ay ang ‘love letter’ ni Mariel kay Ailyn na nakita ng kanilang amo kung saan may nakasulat na “I Love You Gah!

Ikinwento sa amin ni Erlinda ang lahat ng ipinagtapat sa kanya ng kanyang anak mula sa loob ng kanyang selda.

 Ika-31 ng Mayo nakatanggap ng tawag sa ‘landline’ si Mariel. Ang kanyang kausap ay nagpakilala umano na kanilang amo na si Juliet Fabella,

“Mariel! Nakasagasa ako ng bata. Bilisan mo kailangan ko ng pera. Hanapin mo sa kwarto. Ilagay mo sa garbage bag. Balutin mo ng packing tape tapos dalhin mo sa Lung Center,” utos ng nagpakilalang amo.

Hinalughog nila Mariel at Ailyn ang kwarto. Nakakita sila ng mahigit sa Php200,000. Sinunod nila ang utos. Binalot nila ito sa itim na ‘trash bag’ at pinalibutan ng packing tape.

Naglakad si Mariel palabas. Pagdating sa ‘main gate’ ng ‘subdivision’ hinarang siya ng gwardiyang si Maritess Trinidad.

Dahil hindi mapaliwang ni Erlinda ang iba pang detalye ng kasong ito, masusi naming binasa ang lahat ng dokumento na may kaugnayan sa insidenteng ito.

Nakita namin ang ‘affidavit of arrest’ ng ‘lady guard’ na si Maritess Trinidad. Ganito tumakbo ang kanyang pahayag. 

“Bandang alas 4:30 ng hapon, napansin ko na may dala itong paper bag at may lamang isang itim na garbage bag. Nakabalot ito ng packing tape at tinanong ko kung anong laman ng nasabing garbage bag. Sagot naman nito pera daw ang laman ng garbage bag kaya agad ko itong kinuha sa kanya at inilagay sa mesa. Tinanong ko siya tungkol sa dala niya. Agad ko ding tinawagan ang nasabing bahay. Ang sumagot sa akin ay isang babae na nagpakilala bilang si Ailyn. Katulong daw siya dun at sabi niya sa akin ok daw na palabasin si Mariel dahil utos daw yun ng ma’am nila. Sinabihan ko siya na hindi siya otorisado mag aprub kung ok o hindi. Tinanong ko siya kung nasaan ang ma’am nila at hiningi ko din ang contact number ng ma’am nila para matawagan ko ang nasabing numero. Nakausap ko ang isang babae na nagpakilalang dentist at sinabing nagpabunot ng ngipin si ma’am Juliet kaya hindi siya pwedeng kausapin. Nag-insist ako at nakausap ko nga ito. Agad akong nagduda dahil iba ang boses nito kaysa sa kilala kong ma’am Juliet. Hindi ko tinanggap ang kanilang kwento at sinabi sa akin na tatawag ulit sila. Mismong asawa ang tatawag. Muli nga tumawag ang isang lalaki na nagpakilala bilang RJ, anak daw ni ma’am Juliet kaya ang ginawa ko pinasa ko ito sa aking OIC na Reynald Kabiling,”. 

Nagbigay naman ng pahayag ang OIC na si Reynald Kabi­ling sa kanilang pinagsamang ‘affidavit of arrest’.

“Ako ay nakaduty ng ako’y tinawag ni SG Maritess Trinidad tungkol sa isang tawag ng telepono ng isang RJ. Hindi ako naniwala sa kanyang kwento at hindi ako pumayag na lumabas itong si Mariel. Sinabihan niya ako na pupuntahan nila ako sa guard house para magpaliwanag pero walang dumating na tao dun maliban kay Ailyn Cabulit na pumunta doon sa guard house para sabihan kami na huwag daw paalisin itong si Mariel. Babalik na lang daw sila pareho sa bahay ng amo nila. Hindi kami pumayag. Hinold na namin sila at pinapuntahan ko (OIC Kabiling) kay SG Ramil Guarino ang mismong address. Dun nalaman na mismong nasa loob ng bahay ang anak ng amo na si Ryan Fabella. Dun nalaman na walang pahintulot ang paglabas nila. Maya-maya pa dumating na rin itong si ma’am Juliet Fabella. Nalaman na nga namin ang buong pangyayari. Agad naming hinuli at kinilala ang dalawang katulong na sila Mariel Mangrubang 21 taong gulang at Ailyn Cabulit 25 taong gulang tubong Samar at stay in housemaid din sa nasabing bahay

 Nang aming buksan at bilangin ang pera na nilalaman ng garbage bag sa harap mismo ni ma’am Juliet Fabella at ng mga pulis ang nasabing pera na may iba’t ibang de­nomination ay umabot ng Php207,820,00. Ang nasabing pera ay aming pinicturan pero ang nasabing pera ay nasa pag-iingat mismo ng may-ari. Sinabi niya sa amin na may nawawala pa daw siyang Php41,000 na dapat daw ay kasama sa pera na iyon. Nang matapos ang paunang pagtatanong sinabihan kami ng pamilya Fabella na dalhin na namin ang dalawang katulong nila sa presinto dahil magsasampa sila ng kaukulang reklamo. Agad namin silang dinala at tinur- over sa duty desk officer ng Eastwood Police Station para sa kaukulang aksyong legal,”  

ABANGAN SA LUNES ang iba pang detalye ng istoryang ito EKSKLUSIBO dito lamang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI AICEL BONCAY)

Ang aming programa sa radyo ay bukas sa anumang talakayan para sa mga complainants na walang kakayahang magpunta sa aming tanggapan. I-text niyo lamang sa mga numerong 09213263166 o sa 09198972854 at sasagutin namin on-air ang inyong problema. Ang landline 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email address: [email protected]

vuukle comment

AILYN

AILYN CABULIT

DAW

ERLINDA

LSQUO

MARIEL

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with