^

PSN Opinyon

Ang Diyos ng mga buhay

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

KATATAPOS lamang ng Todos los Santos y todos los Muertos ay muling ipinahahayon ng mga pagbasa ngayong ika-32 linggo sa karaniwang panahon na ayon sa aklat ng Makabeo na bubuhayin tayong muli ng Hari ng buong daigdig upang hindi na muling mamatay. Ang muling magkabuhay nang lahat ng nilikha ng Diyos ay na isinaka-tuparan ni Hesus sa Kanyang muling Pagka-buhay.

Ang kamatayan ay para bang pagtulog na ayon sa Salmo ay: “Paggising ko, Poong Sinta, sa piling mo’y magsasaya”. Sa habag sa atin ni Hesus at ng ating Diyos at Ama ay ipagkaloob nawa sa atin ang lakas at tibay ng pag-asa. Maging matatag nawa ang ating kalooban upang maipahayag at maisagawa ang lahat ng kabutihan. Ang habag ng Panginoon ay walang hanggan.

Maging sa ebanghelyo ay isang Saduceo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay ay sinubukan si Hesus sa kanyang salaysay sa buhay ng isang babae. Nag asawa ito, hindi nagka-anak at namatay ang kanyang asawa. Nabiyuda. Ayon sa kanilang paniniwala ay dapat pakasalan ng kapatid ang babae. Sa kinasamang-palad namatay din ang lalaki. Sa madaling salaysay ay pitong magkakapatid na lalaki ang napakasal sa babae at silang lahat ay naunang mamatay. Wala man lamang naging anak. Sinabi ng pilosopong Saduceo sino ang magiging asawa ng babae, kung mayroong muling pagkabuhay ayon sa aral ni Hesus?

Katulad ito ng kwento ng pag-ibig nang isang magkasintahan na wagas ang pag-ibig ay hindi nagkatuluyan sapagka’t nakabuntis si lalaki ay napilitang pakasal sa buntis. Laking hinagpis ng dalawa at nagsumpaan. Sabi ni babae: “Paano yan irog ko, nangako kang tayo ang magpapakasal?” Sagot si lalaki: “Mahal ko, matutuloy din ang ating wagas na sumpaan. Sa muling pagkabuhay ay doon tayo magpapakasal sa langit na bayan!”

Sinabi ni Hesus na: “Ang mga lalaki at babaeng karapat-dapat na muling bubuhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa”. Ang sum­paan ng pag-ibig ng mga lalaki at babae sa daigdig na ito ay hahanggang dito na lamang. Sa kaharian ng langit ay iisa lamang ang ating tuloy-tuloy na pupurihin ng ating wagas na pag-ibig ang Diyos AMA, ANAK na si HESUS at ESPIRITU SANTO, AMEN! “Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay.”

2Mc 7:1-2,0-14; Salmo 16; 2Tes 2:16, 3:5 at Lk 20:27-38

ANG DIYOS

AYON

BABAE

DIYOS

HESUS

MULING

POONG SINTA

SADUCEO

SALMO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with