SABI nina Ang kasangga party-list Rep. Teodorico Haresco at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles ito na ang panahon para magbayad ang governmenbt of the Republic of the Philippines my Philippines ng foreign loan obligation habang bumubulusok na parang ‘rockship’ ang piso kontra US$.
Pero may problema naman ang dalawang nabanggit na kongresista kasi na nambabakal este mali nababahala pala sila sa tuluy-tuloy na paglakas ng piso kontra dollar kaya dapat daw na mag-isip ang Aquino administration at ang Bangko Sentral ng Pilipinas para maibsan ang masamang effect nito sa economy na dehins kailangan magpatupad ng sinasabing ‘currency control.’
Sabi ni Haresco sa mga kuwago ng ORA MISMO, A stronger currency should not be equated with good economy because it can be the opposite depending the prevailing economic trend. A runaway currency especially in a country that is largely dependent onthe remittances of its migrant workers can be devastating.”
Naku ha!
Paliwanag ni Nograles sa mga kuwago ng ORA MISMO, masama ang epekto ng sobrang lakas na piso mga pamilya ng may 11 Million Overseas Filipino Workers dahil magkakaroon ng boomerang ito at baka mamumulubi ang export sector na kasi nga ang contribution nito sa economy ng Philippines my Philippines yearly ay $4.7 Billion.
Sabi nga, hindi birong salapi ito!
Nangangamba si Nograles, maging ang $7 Billion a-year Business Process Outsourcing industry, o mga call centers ay apektado din sa patuloy na paglakas ng piso laban sa US dollar.
Hindi dapat magpakaang-kaang ang Bangko Sentral ng Pilipinas dahil maraming industriya ang tatamaan nito dapat din bigyan ng maayos na solution habang maaga pa ng ahensiya ng pantutupi este mali pananalapi pala ang patuoy na paglakas ng piso.
Sabi nina Haresco at Nograles, sa halip na labanan ng “market forces” upang pigilan ang paglakas ng piso, mas makakabuti umanong mag-isip na lamang ng mga pamamaraan ang gobyerno upang matulungan ang mga sektor na apektado ng malakas na palitan ng piso.
Ayon sa dalawa, isa na rito ang pagtatatag ng Foreign Exchange Risk Insurance system na maaring gamitin ng mga exporters at mga OFWs upang maprotektahan ang kanilang pananalapi mula sa pabagu-bagong palitan ng piso.
Ang paghihigpit sa mga banyagang portfolio investments o mga puhunang inilalagak sa mga stocks, bonds at company shares.
Ang pagtatatag ng export guarantee fund na mag-aalok ng mga “low interest loans” para sa mga exporters at ang paglalaan ng credit facility para sa OFWs na nagnanais umuwi na sa bansa upang magtayo ng maliit na negosyo.
‘ Ano ang mabuting gawin?’ Tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.
Siempre ang gobyerno hindi dapat pahetot-hetot dapat silang umaksyon huwag magpabaya dahil hindi biro ang epekto nito sa economy’, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Maganda ba ang sinasabi ng dalawang kongresista regarding sa paglakas ng piso?’
‘Kaya nga habang maaga ay nagsasalita na sila bago mahuli ang lahat’ sabi ng kuwagong manggagantso.
‘Ano ang mainam?’
‘Iyan ang itanong mo kung anong ulam nila este mali mabuti pala, ‘kailangan pag-aralan ng mabuti ang nararapat para naman hindi ang madlang people ang ma-shock pagdating ng araw’
Abangan.
Si Mai Mislang
ALAWS palang balak si P. Noy na sipain sa puesto ang kanyang speech wirter na si Assistang Secretary Carmen Mislang.
Bakit?
Wala ng gagawa ng kanyang speech kasi kapag nagkataon. Hehehe.... joke!
Marami kasing nakabasa ng ‘tweet’ ni Mislang sa kanyang twitter account na nilalait ang mga Vietcong at ang alak na ibinigay sa kanila sa isang pagtitipon ng bumisita sila kasama si P. Noy sa Vietnam the other week.
Sabi nga, walang poging Vietcong!
Kaya naman binatikos si Mai ng mga nakabasa ng kanyang ‘tweet’.
Ika nga, buti nga!
Sinabi ng Pangulo, hindi na dapat pinapalaki ang isyu at baka makaapekto pa sa magandang relasyon ng Pilipinas at Vietnam.
Pero kay P. Noy kinampihan niya ito gaya ng pagkampi niya kay Presidential Adviser for Peace Process Ging Deles na nanglait din ng isang kongresista sa Kamara.
‘Ano ang moral lesson?’
‘Huwag kang maging arogante sa kapwa mo’ Hehehe!