^

PSN Opinyon

SSTI at AITSI sa SBMA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

Ipinagmamalaki ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang isa sa pinakatagumpay na transshipment hubs sa bansa ang pagpapalakas sa kalakalan ng agrikultura at iba pang kaugnay na kabuhayan sa Hilaga at Gitnang Luzon.

Kasama sa pangunahing bahagi ng tagumpay na ito ay ang serbisyo ng iba’t ibang cargo handling companies sa loob ng SBMA.

Kaya naman ito ang pinagmamalaki nina Restituto Torres ng SSTI at Mario Lorenzo Yapjoco, pangulo ng AITSI.

Sabi ng dalawang big boss, ang tagumpay ng cargo handling business sa SBMA ang patunay kung paanong ang alituntunin sa kapaligiran ay hindi hadlang sa progreso ng nasabing place.

May kakayahan itong magpaunlad at may malaking tulong sa anumang kabuhayan

Ika nga, iyan ang SBMA!

HGC, himayin at kalkalin

KINONDENA ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Ber­nadette Herrera ang Home Guaranty Corporation kasi may ano­malya dito kaya naman sa muling pagbubukas ng Kong­reso sa November ay kakalkalin niya at hihimayin para ibul­gar sa madlang people ang mga kagaguhan nangyari dito.

Sabi nga, hintayin!

Para sa madlang people na hindi alam ang function ng HGC, ito ay isang ahensiya ng government of the Republic of the Philippines my Philippines na nagbibigay ng mga garantiya sa mga pautang sa pabahay.

Ika nga, ng mga bright naging milking pot este mali cow pala ito ng mga sinasabing dorobo. Hehehe!

Sa gagawing pagbusisi sa rekord ng HGC sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Gonzalo Benjamin Bongolan, natitiyak natin na hindi “mabibigo” ang ating mga mambabatas kung kontrobersiya rin lang ang gusto nilang matuklasan.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sa discovery channel este mali nadiskubre pala baon sa utang ang HGC pero natuklasan ng Commission on Audit (COA), mahigit P224 million daw ang “isinubi” nitong grupo ni Bongolan para sa kanilang “separation package.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Si Bongolan at mga alipores nito ay may mga kaso na pala ng katiwalian sa Office of the Ombudsman.

Naku patay!

Marami rin umanong pinasok na mga kwestyunableng transaksyon ang HGC sa ilalim nitong si Bongolan na dapat lang talagang maliwanagan dahil apektado rito ang national budget ng Philippines my Philippines.

Ang gobyerno kasi ang “guarantor” sa mga transaksyon ng HGC kaya kung malugi o pumalpak ang mga tran­saksyong ito, ang madlang people sa Philippines my Philippines ang papasan ng bigat sa pagbabayad.

At sa pagsisiyasat ni Rep. Herrera, 2002 pa lang ay marami nang “sablay” sa mga transaksyon ng HGC!

Isa umanong halimbawa dito ay ang mga bentahan ng lupain ng HGC d’yan sa Vitas, Tondo, Maynila, kung saan may P300 milyon ang nasisilip na lugi ng gobyerno dahil “below the prevailing market prices” ang naging transaksyon!

Abangan.

vuukle comment

BAGONG HENERASYON

BONGOLAN

GITNANG LUZON

HERRERA

HGC

HOME GUARANTY CORPORATION

IKA

NAKU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with