HUWAG ng hintayin ng mga MMDA traffic enforcer na nakatalaga dyan sa ilalim ng Quezon Ave. flyover na may mamatay muna bago nila sila kumilos para hulihin o huwag ng padaanan ang mga pedicab driver na nagka-counter flow para kumuha ng mga pasahero dyan sa may EDSA - Benitez st., malapit sa JASMS school.
Bakit?
Ginagawa nilang terminal ang nasabing lugar para magsakay ng mga pasaherong bumababa sa mga bus.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinadadaan ng mga bugok na mga MMDA traffic enforcer ang mga pedicab driver dahil may ‘tong’ daw na iniaabot ang bawat pupunta sa nabanggit na lugar.
Sabi nga, delikado ito lalo’t gabi dahil ang mga pedicab ay walang ilaw mahirap makita ng mga mabibilis na sasakyan dyan sa EDSA.
Ano ang mabuti?
Aksyon MMDA bossing Tolentino... ipakalaboso mo ang mga kotong traffic officer mo para madala ang mga lintek.
Abangan.
Foul - NAIA Customs!
INALISAN na pala ng overtime after 5:00pm ang mga customs people na naggagala este mali nakatalaga pala dyan sa Baggage Assistance Division ng NAIA Terminal 1 ng kontrahin daw ng Board of Airlines Reprensentatives na ayusin sila.
Ang naging resulta naggagalaiti sa galit ang may 50 passengers dahil dehins nila nakuha ang kanilang mga bagahe the other week.
Ang akala kasi ng mga ito ay 24/7 ang service sa airport dahil sa buong mundo ay ganito ang kalakaran.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos tinatamad ng pumasok ang mga customs people na nakatalaga sa BAD -Terminal 1 dahil nawalan na ito ng gana kasi nga alaws na silang bayad sa overtime.
Ano ang magiging problema ngayon?
Malaking perwisyo ito sa mga pasahero dahil alaws ng magpa-process para ma-release ang kanilang bagahe.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Malaki rin kasi ang epekto nito sa customs people dahil sa overtime nila kinukuha ang kanilang pag-kain at siempre pamasahe.
Siguro dapat ayusin ito para naman hindi mapahiya ang gobierno ni P. Noy sa mata ng mga pasahero.
Abangan.
Recess sa Kongreso
KAHIT recess na sa Kamara ay usap-usapan pa rin ng mga naiwan empleado dito si Presidential Peace Adviser Ging Deles sa ginawa nito kay Rep. Dimaporo.
Hindi lang kasi mga kongresista ang naggagalaiti sa galit kay Ging kundi maging si Senator Chiz Escudero ay na buwisit na rin.
Sabi nga ni Chiz, si Deles ang tagapamayapa ng gobierno pero sa mga aksyon nito ngayon ay mukhang siya pa ang problema ng Aquino administration dahil hindi lang isa, dalawa, tatlong kongresista ang asar dito kundi ang Mindanao bloc ang nagagalit todits kaya hinihingi nilang sipain sa puesto si Ging.
‘Ano ang mabuti dito?’ Tanong ng kuwagong supladita.
‘Dapat maayos ito hangga’t maaga dahil recess sa Kamara kausapin nila ang dapat kausapin', sagot ng kuwagong mayabang.
‘Mukhang malabo yata’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Dapat nilang himasin ang kongreso baka magkaroon sila ng malaking problema dito balang araw’
‘Sa palagay mo ano ang mabuti?’
‘Kamote, hindi nga ako mapalagay!’