^

PSN Opinyon

Mayor Saquilayan, ano ka ba?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

BAKIT kaya patuloy na nagmamatigas si Imus mayor Homer Saquilayan sa pag-isyu ng body numbers plate ng mga pampasaherong tricycle sa kanyang bayan? Dahil kaya hindi niya kapanalig ang kaawa-awang drayber noong halalan? Ayon sa aking mga kausap na driver, abot langit ang ngitgit ni Saquilayan sa body number plate na may mukha ng kanyang kalaban sa pulitika na si dating Imus mayor Emmanuel Maliksi.

Ayon sa sumbong sa akin ng mga tricycle driver sa Imus, nagiging gatasan sila ng mga buwayang pulis at local traffic enforcers matapos na hindi mag-isyu ng bagong body numbers plate ng kanilang tricycle si Saquilayan. Labis na ang kanilang paghihirap sa buhay at hindi na nila halos mapakain sa tamang oras ang kanilang pamilya, napilitan na rin ang ilang operators na ibenta na lamang ang kanilang tricycle upang may maitustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Kung sabagay sa ngayon na mataas ang pamasahe at matrikula sa mga paaralan tiyak na mangangamote ang operators lalo’t hindi makapasada ang kanilang tricycle na tanging hanapbuhay na tumutugon sa kanilang pangangailangan.

Mayor Saquilayan tapos na ang eleksiyon, bakit patuloy mo pa ring ginigipit ang iyong kalaban sa pulitika at ang labis na naapektuhan ay itong mga driver at operators ng TODA particular sa Bgy. Buhay na Tubig. Nararapat lamang na ipagkaloob mo sa iyong mga kababayan ang tamang serbisyo ng matulungan mo silang makaahon sa hirap. Kalimutan mo na ang paghihiganti sa kalaban, huwag mong idamay ang mga driver dahil lamang sa mukhang nakaukit sa body num­bers plate. Kung insecured ka sa mukhang nakaukit sa body numbers plate sa mga tricycle, ipabura mo at ipalit ang iyong mukha.

Hindi naman nagkukulang ang tricycle drivers at operators ng Bgy. Buhay na Tubig dahil legal naman silang may franchise sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LFTRB) at lihitimo naman ang kanilang ruta dahil legal din ang kanilang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA). Handa naman silang magbayad sa striker na manggagaling sa iyong tanggapan, naturalmente magiging karagdagang income ito ng iyong bayan. Mantakin mo, Mayor Saquilayan, habang nagmamatigas ka sa pag-isyu ng body numbers plate sa mga pampasaherong tricycle, nagiging gatasan lamang sila ng mga alipores mong pulis at traffic enforcers. Mayor Saquilayan, kumilos ka!

vuukle comment

AYON

BGY

BUHAY

DRIVERS ASSOCIATION

EMMANUEL MALIKSI

KANILANG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MAYOR SAQUILAYAN

TRICYCLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with