Sumulpot na naman ang malaking isyu
Na dito ay sangkot estudyante’t guro;
Pati ang magulang na nasa trabaho
Nasira ang mood at natutuliro!
Akalain mo bang ang sabi ng DepEd
At ng sangay nitong mga nasa CHED
Pag-aaral ngayon ng mga students –
Ay dalwang taon pa ang ipagtitiis!
Nasa elementarya at saka sa high school
Patatagalin pa pag-aaral ngayon;
Sa Grade Six ang dagdag – isang taon
Kaya Grade 7 pa kanilang graduation!
Mga nasa hgh school dagdag na pahirap –
Dalawang taon pa ang mapapadagdag;
Kaya ang magulang na dati nang hirap
Panibagong kayod para lang sa anak!
Damit at pagkain saka matrikula
Sa ngayon ay halos hindi na makaya
Ng mga magulang na dapang-dapa na
Sa nangyaring ito’y baka mamatay pa!
Sa sistemang ito dapat ding umaray
Ang maraming teacher na di maswelduhan;
Hilingin sa DepEd at sa CHED na iyan
School curriculum ang baguhin na lang!
Kung kaya gagawin itong pagbabago
Mga estudyante hindi raw matuto;
Kaya ang marapat sa sisteman ito
Kaledad ng teaching ang itaas ninyo!
Sa halip magdagdag ng kung ilang taon
Ang ilahad ninyo’y bagong curriculum;
Magandang palakad saka superbisyon
Tiyak na uunlad education ngayon!
Bakit ba naisip dagdag na schoolyear
Kapos ba pera ang gobyeno natin?
Baka ang dahilan nagbago ang leaders –
Ang ating si P-Noy gustong pahangain?