'Contra-Abortionist!'

MAINIT ang isyung pinagtatalunan ngayon ng simba-hang Katoliko at kasalukuyang gobyerno, ang Reproductive Health Bill.

Panukalang batas na naglalayong isulong ang family planning sa bawat pamilyang Pilipino.

Kasama na rito ang pagkontrol ng papalaking populasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga birth control contraceptives and procedures.

Matagal na at napakahigpit ng pagtutol ng simbahan sa isyung ito habang ang ilang mambabatas kasama na ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas, seryoso na isulong ito.

Sa likod ng di pa napagde-desisyunang isyu na ito, may mga krimeng lumalaganap na may kinalaman dito.

Ang abortion kung saan sunod-sunod nang naging laman ng balita ang dumaraming kaso ng mga pag-abort o pagpapalaglag sa mga sanggol.

Makailang beses na ring nakatrabaho ng BITAG ang mga otoridad sa Luzon at Visayas dahil sa mga sumbong laban sa mga aborsiyonista.

Kahapon sa BITAG Live, ipinalabas namin ang isang kaso ng aborsiyonista sa Navotas. Hindi dahil sa nais naming makisawsaw sa isyu.

Napapanahon ito na magbigay babala sa lahat na huwag tangkilikin ang serbisyo ng mga aborsiyonista at ireport sa otoridad kung may nalalamang krimeng ganito.

Galit ang BITAG sa mga aborsiyonista, berdugo kami ng mga nang-aabuso at kumikitil ng mga walang muwang na buhay. Hindi sila nararapat na bigyan ng pagkakataong makihalubilo sa ating lipunan.

Subalit pagdating sa isyu ng family planning, narara-pat na bigyan ng pagkaka­taong mamili o option ang pa­milyang Pilipino.

Para sa BITAG, sa nga-yon, dapat mabigyan muna ng pagkakataon si PNOY na magbigay ng sariling desisyon.

Hindi lamang siya pa-ngulo ng bansa para sa reli- hiyon, ang tawag ng kaniyang posisyon ay bigyang solusyon ang bawat problema ng ating bansa, isa na rito ang populasyon.

Anupa’t nagkaroon ng separation of church and state sa ating bansa? Kung sa pamahalaan ng ibang bansa, ang laging may last say ay gobyerno.

Show comments