^

PSN Opinyon

P60-B industriya ang jueteng!

- Al G. Pedroche -

KUNG ako si Presidente P-Noy gagamit na ako kamaong-bakal sa makulit na problema sa jueteng. Idedeklara kong jueteng free ang bawat rehiyon, lalawigan at munisipalidad. Papanagutin ko ang mga local na ehekutibo at pinuno ng pulisya sa mga dako’ng namamayagpag ang illegal na sugal. May pagkakataong dapat mag-astang diktador ang isang pinuno lalu na sa mga problemang mahirap baklasin.

Alam n’yo ba na ang illegal na jueteng ay kumikita ng taunang P60 bilyong piso? Pero kaya pala ganun kalaki, ito’y may daya. Ang munting sisidlan na kinaroronan ng mga numero ay may compartment na kinaroroonan ng mga papanaluning numero. Napanood ko ito sa telebis­yon. Ipinakita at iminuwestra kung paano manipulahin yung tambiolito o kung ano man ang tawag doon. Nakadama ako ng habag sa mga pobreng mananaya na ginagawang minahang-ginto ng mga jueteng lords.

Kung walang daya ay hindi kikita ng ganun kalaki ang jueteng. Titingnan muna ng banka ang mga tinayaang numero at ang palalabasin ay yung kakaunti ang tumaya.

Kapag naging legal ang jueteng, hindi na puwedeng mandaya kaya hindi na rin makakaasa ng ganung ka-laking kita. Resulta, may mga iiral pa ring illegal jueteng operators. Ang Small Town Lottery (STL) na ang layunin daw ay buwagin ang illegal na jueteng ay wa-epek din. Ginamit din ito ng mga magweweteng. Dun ibinabase ang mananalong numero at mas malaki ang ingreso kaya mas maraming nahihikayat tumaya rito kaysa sa STL.

Kapag ginawang legal iyan, mawawalan ng dilehensya ang mga padrino ng jueteng sa gobyerno. Ang marami sa mga nagsasabing gawing legal ang jueteng ay nagbabanal-banalan dahil mainit na naman ang usapin ngayon. Tumpak ang tinuran ni Archbishop Oscar Cruz sa pagsisiyasat ng Senado. Kung maninindigan ang namumuno sa bayan at lalawigan ay hindi iiral ang sugal na ito.

Magandang legacy ni P-Noy na gamitan ng kama- ong-bakal ang problemang ito.

ALAM

ANG SMALL TOWN LOTTERY

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

GINAMIT

IDEDEKLARA

IPINAKITA

JUETENG

KAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with