ISINUSULONG ng aking anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa hanapbuhay para sa lahat ng mga Pilipino anuman ang kanilang relihiyon o kultura. Ito ay sa ilalim ng kanyang Senate Bill 891 na pinamagatang An Act to Ensure Equal Employment Opportunities to Muslims and Tribal Filipino.
Ayon kay Jinggoy, ito ay alinsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon kung saan ay ginagarantiyahan ang pagbibigay ng karapatan sa mga mamamayan para sa maayos na pamumuhay at kasama rito ang trabaho.
Pinansin niya ang maraming insidente kung saan ay nakararanas ng diskriminasyon sa trabaho ang ilan nating mga kapatid na Muslim at tribal Filipinos o mga miyembro ng tribu. Ayon sa mga ulat ay itinuturing silang “not priority for hiring” dahil sa kanilang relihiyon at kultura. Kailangan aniyang masolusyunan ang ganitong inhustisya.
Narito ang ilang pangunahing probisyon ng Senate Bill 891 ni Jinggoy:
— It shall be considered an unfair labor practice for an employer:
a) To refuse to hire, or to discriminate against with respect to compensation, terms, conditions or privileges of employment, or to discharge any individual because of his religion or ethnic origin; or
b) To limit, segregate or classify employees in a way which would deprive or tend to deprive any individual of employment opportunities or otherwise adversely affect his status as an employee because of the individual’s religion or ethnic origin.
—The Government shall reserve at least ten percent (10%) of the rank and file positions in government service, and shall employ members belonging to indigenous cultural minorities particularly Muslims and other tribal Filipinos in areas where they predominate.
Nakikiisa ako sa panawagan ni Jinggoy sa mga kapwa niya mambabatas na suportahan ang panukalang ito. Ito ay hakbang upang matamo ang pagkakaisa ng mamamayan kahit mayroong magkakaibang relihiyon at kultura.