Hindi sinasadyangunit pabaya
(Huling bahagi)
HINABLA ni Pacita si Judge TP ng (a) “malicious delay” sa paglapat ng hustisya sa ilalim ng Article 207 ng Revised Penal Code dahil sa pagka-antala ng 18 buwan sa pagresolba ng kasong sinampa ni Pacita; (b) paglabag sa Section 5 ng Judiciary Act of 1984 dahil kahit na hindi niresolba ang kaso sa loob ng 18 buwan, patuloy pa rin niyang kinokolekta ang kanyang suweldo at nagsinunga-ling sa ibinigay na sertipikasyon na lahat ng sibil at kriminal na kaso na ibinigay sa kanya upang resolbahin sa loob ng 90 araw ay nagawa niya. May kasalanan ba si Judge TP sa mga habla sa kanya?
Sa unang paratang ang pagkaantala sa imbestigasyon ay dahil na rin kay Pacita at ang kagustuhan ng bawat partido na magkaroon ng kasunduan na lamang. Kaya hindi totoo na sadya at may malisya si Judge TP na iantala ang kaso. Ito ay dahil lamang sa madalas na pag-ayon niya sa mga mosyon ng bawa’t partido para ipagpaliban ang pagdinig ng kaso. Upang managot ang judge ng paglabag sa Article 207 ng Revised Penal Code, kinakailangang may malisyosong intensyon siya na gumawa ng pinsala sa kanino mang partido.
Bagama’t walang malisya o hindi kagustuhan ni Judge TP na iantala ang pagdinig ng kaso, may kakulangan o kapabayaan din siya sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa paggawad ng hustisya. Dapat ay may ibayong pag-iingat siya sa pag-aaral ng mga kasong hawak niya. Ang tiwala ng tao sa pagbigay ng hustisya lalo na ang mga taong kapus-palad ay masisira kung napakatagal ng mga desisyon, lalo na ang mga mababang hukuman kinakaila-ngang umaksyon agad. Dahil sa kanyang kapabayaan
upang maresolba ang kaso, nararapat sumailalim siya sa parusang administratibo.
Sa kabilang banda, ang paggawa ni Judge TP ng hindi tamang sertipikasyon kahit hindi sinasadya ay dulot din ng kanyang kapabayaan. Kailangang masigasig at may lubos na pag-iingat si Judge TP sa paggawa ng mga sertipikasyon ng kanyang buwanang serbisyo. Dahil dito dapat din siyang sumailalim sa parusang administratibo dahil sa maling Certificate of Service na isang paglabag ng Section 5 ng Judiciary Act of 1984.
Sa kanyang kapabayaan nararapat siyang magbayad ng multa kapantay ng tatlong buwang suweldo na may babalang kung uulitin ito’y maaring patawan siya nang mas mabigat na parusa (Magdamo vs. Pahimulin, Adm. Matter No. 662-MJ, September 30, 1976, 73 SCRA 110).
- Latest
- Trending














