^

PSN Opinyon

Medical at dental mission ni Atty. Garing -successful !!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PINAHANGA ni Atty. Biyong Garing, pangulo ng Muntinlupa Square and Compass Club at ang BIR Travellers Haven Inc., ang madlang people sa Barangay Sto. Niño, Naujan, Oriental Mindoro dahil maraming nagamot at nabigyan ng tulong regarding sa medical at dental mission na ginawa ng dalawang organisasyon sa mga madlang people todits.

Gusto pa at nananawagan ang mga taga - Naujan na pangalawahan pa nina Atty. Biyong, BIRTH at Muntinlupa Square and Compass Club ang kanilang mission para mas madami ang mabiyayaan ng kanilang operasyon.

Sabi nga, see you soon!

Wag sisihin sa kapalpakan si  P-NOY

MASAMANG senyales ang sunud-sunod na pagbatikos kay P. Noy regarding sa bloody ‘hostage-taking’ sa Quirino Grand­stand noong Lunes, Agosto 23.

Ang hindi maganda sa mga banat kay P. Noy isinasama ang kanyang name sa mga palpak na operasyon at ibinabato pa sa pangulo ang kawalan daw ng mga sophisticated firearms ng mga taga-MPD.

Ang nakaka-asar pang tsimis ang taling ginamit daw sa panghila ng pinto ng bus ay kinuha lang sa isang tow truck na ginagamit sa pagbatak ng mga illegal pedicab drivers.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay hindi dapat sisihin ng madlang public si P.Noy kasi nga halos tatlong months pa lamang ito sa kanyang position.

Maling-mali ang mga akusasyon laban kay P. Noy regarding sa mga kapalpakan at pagkukulang ng mga kagamitan na nakita ng madlang people sa Philippines my Philippines regarding sa hostage taking.

Samantala, sa nakaraang siyam na taon ay ang gobyerno ni GMA ang taunang humihingi ng panggastos sa Kongreso kasama na rito ang mga gastusin ng ating pambansang pulisya.

Nasaan na ang billion of pesos na  pondong ibinigay ng Kongreso sa mahabang panahong ito at nasaan na rin ang resulta ng mga pagsasanay sa mga kagawad ng PNP na ginastusan ng mga pondong ito?

Sa madaling salita, walang ibang dapat na buntunan ng sisi sa mga pagkukulang na ito ng PNP kundi ang nakalipas na rehimen ni Gloria; dapat lang siyang tanungin kung saan niya dinala ang mga pondong nakalaan sa PNP noong kapanahunan niya.

Malinaw tuloy na hinaluan agad ng pulitika ang insidente noong Lunes upang si P-Noy ang magdala ng sisi at responsibilidad sa mga naging pagkukulang at pang-aabuso ng mga opisyales ng rehimeng pinalitan niya.

NAGBIDA si Manila City Vice - Mayor Isko Moreno regarding sa ICTSI kasi kahit piso pala ay hindi nagbabayad ng buwis at iba pang mga kailangang bayarin ang nasabing company sa City of Manila. na ngayon sapul ng masimulan ito, ayon kay Manila vice mayor Isko Moreno, na siyang “nakatimbog” sa ginawang “panggugulang” ng kumpanya laban sa Lungsod ng Maynila.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Si Isko, ang nakatimbog sa ibinibida nitong kuento regarding sa ICTSI gusto pa talagang magpalusot dahil matapos mabuking gusto pang palabasin na “berth” o ordinaryong daungan ng mga barko ang kanilang ginagawa.

Nagtataka si Isko , dahil 12 hectares “reclaimed land,” para lang sa daungan ng barko?

Naku ha!

Ano ito lokohan?

Ang masama pa sabi ni Isko sa mga kuwago ng ORA MISMO, dedma sa kompanya ang kapangyarihan ng mga official sa Manila City Hall.

Bida ni Isko sa mga kuwago ng ORA MISMO, Kung ang US Embassy nga na may ‘sovereign status’ nagpapa­alam sa Manila City Hall sa tuwing may itinatayong mga gusali sa loob ng embassy nito, bakit naman ang ICTSI, hindi man lang ito magawa,”

Sabi ni Isko, mukhang may ipinagmamalaki sila dahil ‘independent republic of ICTSI’ ang nakatayo ngayon d’yan sa Isla Puting Bato?

Baka naman nakakalimutan ng pamilya Razon na may-ari ng ICTSI na matagal ng lumayas sa Malacanang ang kanilang padrino na si GMA?

Si P-Noy na ang pangulo ng bansa ngayon kaya tulad ng lahat, dapat na rin silang bumagtas sa “tuwid na landas” na gusto ni P-Noy,

At ubra din kaya kay Mayor Fred Lim ang ganitong postura ng ICTSI kahit pa nga isa itong “dambuhala?”

Abangan!

ANO

BARANGAY STO

BIYONG GARING

ISKO

MANILA CITY HALL

MUNTINLUPA SQUARE AND COMPASS CLUB

NAKU

NOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with