Diplomasya
Hinarang ng isang pulis na armado
ang Chinese tourist bus na maraming tao;
Ang demands ng pulis agad ibinando
hiniling mabalik sa dating trabaho!
Upang makalaya pasaherong Chinese
sinimulan agad negosasyong panis;
Wastong diplomasya ay hindi ginamit
kaya hostage-taker nagtanim ng galit!
Nagdatingan agad ang maraming SWAT
na dapat lima lang o kaya ay apat;
Sila ay halata na kulang sa armas
pagka’t ang ginamit ay bilang at lakas!
Di ba’t ang militar at ang pulisya
ay maraming gamit sa pakikidigma?
May gas mask, bullet vest at saka iba pa—
bakit itong SWAT papasok na wala?
Kapatid ng pulis na gustong umawat
hindi pinalapit at dinakip agad;
Kung pinayagang siya’y tumulong sa batas
itong hostage-taking maagang nagwakas!
Sana ang kapatid ay pinasamahan
sa dalawang pulis sa kanyang likuran;
Sila ay papasok-- pakikiusapan
na huwag magtampo at sumuko na lang!
Kung may kasalanan pulis na nang-hostage
kamalian niya’y iwasang mabanggit;
Dapat may iba pang sa kanya’y lalapit
at ang ibang ito’y – ang ina o misis!
O di kaya nama’y may isang opisyal
na iginagalang – sinasaluduhan;
Sila’y maglalapit at pag-uusapan
paglaya ng hostage na mga dayuhan!
Kaya diplomasya ang dapat ginamit
upang pakalmahin ang puso at isip --
Nitong hostage-taker na dating mabait
sana’y buhay pa s’ya at ang walong hostage!
- Latest
- Trending