^

PSN Opinyon

Inspeksiyon ng mga sasakyan

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SUNOD-SUNOD ang mga malalagim na aksidente na kinasasangkutan ng mga sasakyan. Ang pinakahuli ay ang banggaan ng bus at Toyota Innova sa Bula, Camarines Sur. Tatlo ang namatay sa Innova, at isa rito si Melody Gersbach, 2009 Bb. Pilipinas International. Nakikiramay ako sa mga kapamilya ng mga namatay. May mga nasaktan din sa kabanggaang bus.

Nang makita ko ang mga larawan ng sinakyan ni Melody, halos walang natira sa Innova kundi mga gulong at ilang upuan. Milagro na may mabuhay. Ang bus naman ay bumangga sa isang puno matapos araruhin ang Innova. Sa unang imbestigasyon ng mga pulis, binangga ng bus ang Innova. Ayon sa drayber ng bus, may nasira sa manibela kaya nawalan ng kontrol at sumalpok sa Innova.

Lagi na lang bang ganun ang kuwento ng mga bus at trak? Na may nasira, may hindi gumana kaya nawalan ng kontrol? Sabihin na natin na may nasira nga, babalik na naman tayo sa diskusyon kung gaano kawalang pakialam ang mga may-ari ng mga bus sa pag-aalaga sa kanilang mga sasakyan. Mga nagtitipid sa pag-aayos ng mga sasakyan para mas malaki ang kita, kahit nilalagay na sa peligro ang mga pasahero at kung sinuman ang makasalubong sa kalye! Dapat may ahensiya na biglaang mag-iinspeksiyon ng mga bus at trak, at kapag nahanapan ng mga sirang piyesa o may ebidensiya na masama ang pag-aalaga ng sasakyan, pagmumultahin o sususpindihin ang paggamit ng sasakyan. Masyado nang madalas ang mga balita mula sa buong bansa ng mga ganitong klaseng aksidente, lahat dahil nawalan daw ng kontrol ang mga sasakyan. Para namang kasalanan ng sasakyan at ang sasakyan ang makukulong! 

Hindi talaga binibigyan ng masyadong halaga ng mga kompanya ang kaligtasan sa kalye. Madali lang kasi makakuha ng prankisa, lisensiya o pahintulot mag-operate ng mga sasakyan nang walang inspeksiyon. Kung meron man, baka nagagawan ng paraan ng mga kompanya para makapasa na lang. Kung wala pa ring magbabantay sa mga sasakyan, at wala pa ring gagawin ang mga kompanya para ilagay sa maayos ang kanilang mga sasakyan, hindi magtatagal makakarinig na naman tayo ng masamang aksidente. Sasakyan pa lang ang pinupuntirya natin, at hindi pa yung mga drayber, na puwedeng sila rin talaga ang may kasalanan at hindi maingat sa pagmamaneho!

AYON

BULA

BUS

CAMARINES SUR

INNOVA

MELODY GERSBACH

PILIPINAS INTERNATIONAL

SASAKYAN

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with