^

PSN Opinyon

Sadistang amo.hulog sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAGWALA sa galit at gulat ang among si Anabelle Ca­tajan, matapos makita ang presensiya ng BITAG, Quezon City Womens Desk at Barangay Officials ng Teachers Village.

Ito’y matapos naming isagawa ang rescue sa kaniyang tatlong katulong na pinagma-maltratuhan ni Catajan.

Apat na buwan na ang nakakalipas ng ipalabas namin sa BITAG ang kaso ng disi-sais anyos na kasambahay na minaltrato ng kaniyang amo.

Si Madelyn na nagtamo ng plantsa sa likod, sugat sa mukha at magang katawan dahil sa mga bugbog at palo at ang kaniyang nakakalbong ulo dahil sa sabunot.

Hindi namin naabutan noong mga panahong iyon ang kaniyang among si Anabelle Catajan na naninirahan sa isang condo sa Teacher’s Village sa Quezon City.

Dahil nalaman ni Catajan na tumakas si Madelyn, agad rin itong umeskapo upang hindi mahuli ng mga otoridad.

Simula noon, binantayan ng BITAG ang kilos at galaw ni Anabelle Catajan hanggang ngayong buwan ng Agosto, lumapit sa BITAG ang magulang ng bago niyang katulong.

Umano’y humihingi ng tulong ang kaniyang anak at gusto na nitong umalis sa kaniyang amo subalit walang nababanggit na dahilan.

Makailang beses na raw kinausap ng mga magulang si Anabelle Catajan upang bawiin ang anak subalit dina-dramahan daw sila nito.

Panay raw ang iyak ni Catajan na huwag munang umalis ang katulong, pagkatapos ay tatatawa pagkatalikod ng magulang.

Dito, natuklasan ng BITAG na isa pang kasambahay ni Anabelle Catajan ang sinapit din ang parehong kalagayan noon ni Madelyn.

Nang pagbuksan kami ng kanilang pintuan, hagip agad ng aming camera ang kasambahay na si Sally, pulos paso at plantsado ang mga braso ng dalaga.

Ilalantad ng BITAG ang iba pang detalye sa kasong ito. Abangan!

ABANGAN

ANABELLE CA

ANABELLE CATAJAN

BARANGAY OFFICIALS

CATAJAN

MADELYN

QUEZON CITY

QUEZON CITY WOMENS DESK

SI MADELYN

TEACHERS VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with