Denied justice, delayed justice

MARAMI ang natuwa sa paghirang ni P-Noy kay Prof. Ma. Lourdes A. Sereno bilang pinakabagong Mahistrado ng Supreme Court (SC). Siya ay tinitingala sa propesyon bilang dalubhasa sa komplikado ngunit mahalagang larangan ng Law and Economics. Ang appointment ni Associate Justice Sereno ay katangi-tangi rin sa dahilang isa itong tagumpay para sa kabataan. Sa edad 50 (sing edad ni P-Noy), siya ang pangalawang pinakabatang Mahistrado sa kasaysayan ng Korte. Unang subok pa lang sa Judicial and Bar Council (JBC), lusot na. Mahabang panahong husay at katapatan ang maiaalay ni Assoc. Justice Sereno sa paglilingkod sa hudikatura at sa bayan.

Kung si Assoc. Justice Sereno ay minsan pa lang napangalanan ng JBC, si Acting Presiding Justice Edilberto Sandoval ng Sandiganbayan (SB) ay sampung beses nang naisama sa listahan. Isang beses sa posisyong Chief Justice, limang beses bilang Assoc. Justice ng SC at apat na beses para Presiding Justice ng SB. Si Justice Sandoval ang pinaka-senior na sa lahat ng Justice ng SB. Tatlo na sa mga junior ang nag-bypass sa kanya at naunang mahirang na Presiding Justice ng SB. Nauna na ring tumuloy sa SC. Sa tuwing mababakante nga ang posisyon ng Presiding Justice ay automatic siyang Acting Presiding Justice dahil sa seniority. Ngayong bakante na naman ito, inaasahang makukuha na niya ang puwestong kay tagal nang ipinagkait. Kapag ma-BYPASS siya ulit, isang malinaw na injustice na ang magaganap.

Kabataan ang bentahe ni Justice Sereno. Karanasan naman ang alas ni Justice Sandoval. Paumpisa pa lamang ang una sa serbisyo ay heto at nakaka-25 years nang paglilingkod bilang huwes ang huli. Taong 2002 pa lang nang maunang maging nominado si Justice Sandoval sa Supreme Court.Magmula noon, suki na siya sa mga short list at laging nasa itaas ang kanyang pangalan. Hindi rin ito mapupunta sa usaping merit vs seniority dahil, tulad ni Justice Sereno, si Justice Sandoval ay tinitingala sa propesyon lalo na sa larangan ng criminal law kung saan siya respetadong Bar Examiner, Bar Reviewer, Professor at Textbook Author. Karapat-dapat lang na itanghal na siyang aktuwal na Presiding Justice ng SB at, kapag may pagkakataon, tumuloy na rin sa Mataas na Hukuman.

Isa itong napakagandang pagkorona sa mahaba at makabuluhang karera ng isa sa pinakarespetadong lingkod bayan ng Hudikatura.

Edilberto Sandoval  

Grade:   OVERPASS

Show comments