Isyu sa LTO at ang paliwanag ng ahensiya

KAMAKAILAN ay nagkaroon ng isyu sa Land Transportation Office. Narito ang paliwanag ng LTO:

“Pinabulaanan ni LTO Chief Virginia Torres ang ulat na nakipagsabwatan siya sa dalawang iba pa upang ipalsipika ang papeles ng isang Mitsubishi Pajero (RJP-111) dahilan para sampahan siya ng falsification sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code noong district head pa siya ng LTO Tarlac noong Mayo 7, 2009. Kasama niyang inakusahan sina Dimsy B. Yap, ng Upper Tomay, La Trinidad, Benguet at Sambel A. Fernandez, ng JD 202 Bayabas Pico, La Trinidad, Benguet.

Una rito, noon umanong Abril 9, 2009 ay nag-dispatch ang PNP-HPG Anti-Carnapping Team ‘B’, intelligence operatives at Mobile 82 para sa routine surveillance kaugnay sa anti-carnapping, anti-hijacking at anti-highway robbery operations sa Baguio City at La Trinidad, Benguet.

Natyempuhan nila ang Pajero na may plakang RJP-111 na minamaneho ni Fernandez sa bandang Baguio General Hospital. Hiningan umano nila si Fernandez ng certificate of registration (CR) at official receipt (OR) ng Pajero ngunit hindi tumugma ang sasakyan sa modelo nito dahil ang sasakyan ay 1998 model pero ang CR ay 1990.

Ayon kay Torres, walang katotohanan ang bintang laban sa kanya sapagkat ginampanan lang niya ang tungkulin na aprubahan ang deed of sale sa pagitan ng bagong may-ari ng sasakyan (si Yap) at ng nagbenta naman na mag-asawang Arnel at Cherry Lou Sicat. Bago pa ito ay nagpakita rin aniya ng dokumento sina Sicat na binili nila ang Pajero mula sa isang Cristina Y. Macasaet sa halagang P500,000.00.

Binerepika aniya ng LTO sa mga kinauukulang ahen­­siya ang dokumentong isi­­nu-mite sa opisina nila ka­bilang na ang PNP MV Clearance Certificate na nagpapakitang hindi kasama sa listahan ng mga ni­nakaw na sasakyan ang Pajero.

Dagdag ni Torres, ma­aaring ginagamit lang ang isyu ng mga taong nagnanais na sirain siya at had­langan ang mga pagbabagong nais niyang ipa­tupad sa LTO.”

Show comments