Sa dati at bagong gobernador

Kami’y mamamayan ng Laguna province

Nasa unang bayan ang tahanan namin;

Bayan ng San Pedro na laging maningning

At sa isang village ay senior citizens!

Maliit na dampa ang mga tahanan

At low cost housing pa na pinagbayaran;

Tahimik ang lugar at ang mamamayan

Tuwina’y masaya at nagmamahalan!

Dahil kami’y taong laging masunurin

Sa governor noon ay napamahal din;

Kung kami’y may gustong sa kanya’y hilingin

Sa bawa’t pag-request agad dumarating!

Nasabing governor – si Ningning Lazaro

Sa bawa’t imbita dumarating ito;

Sa senior citizens na kabilang ako

Maraming biyaya na dumating dito!

Sana’y di nagwakas termino ni Ningning

Marami pang tulong aming tatanggapin;

Bagong gobernador kami ri’y pansinin –

Kahi’t ang bayan mo’y malayo sa amin!

Kaya nang sumapit nagdaang halalan

Ang anak ni Ningning kandidato naman;

Ikinandidato’y anak na panganay –

Kami ay nalungkot di siya nahalal!

Ah kung itong anak ang siyang nagwagi

At naging governor ng probinsyang tangi –

Tiyak na maraming kami’y mahihingi

Pagka’t anak siya at mabuting binhi!

Sa bagong governor kami’y nagtataka

Di namin nakita nang nagkakampanya’

Boto nang mabilang sa buong probinsiya

Siya ang nanalo – anong swerte niya!

At ngayong tapos na nasabing halalan

Bagong gobernador siyang papatnubay;

Sana naman sana kami ri’y damayan

Lalo na ang seniors sa ‘ming panahanan!

Show comments