^

PSN Opinyon

Kaduda-dudang kredibilidad

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Last part)

INARESTO ng mga pulis sina Simon at Doming. Nakuha kay Simon ang isang .38 paltik na baril, ang perang ibinayad sa kanya at mga pakete ng shabu, samantalang marijuana at shabu naman ang nakuha kay Doming. Idinagdag pa ni PO3 Alan na dinala nila ang mga nakum-piskang droga sa forensic chemist upang eksaminin at napatunayang mga marijuana at shabu nga ang mga ito.

Sa kanilang depensa, itinanggi nila Simon at Doming na may naganap na buy-bust operation at sinabing ang mga paratang tungkol sa kanila ay hindi totoo. Sa katunayan sinabi nila na bigla lamang pumasok ng walang pahintulot ang mga pulis sa bahay nila sa pangunguna ni PO3 Alan at tinutukan ang mga tao sa loob ng bahay. Inutusan sina Doming at Simon na dumapa. Sabi ni Simon na bumisita lamang siya kay Doming.  Kinuha nila ang mga gamit na nakita dito pati na ang mga motorsiklo na kanilang pag-aari at dinala sa presinto. Upang mailabas ang mga ito, kinakailangang magbayad sina Doming at Simon. Pinakawalan ang mga iba nilang kasamahan, ngunit sina Doming at Simon ay naiwang nakakulong nang hindi makabayad at sinampahan ng kaso.

 Ayon kay Simon, si PO3 Alan ay gumagamit ng ba­wal na gamot na naging dahilan upang tanggalin siya sa serbisyo. Sa katotohanan, sinabi ni Simon na nakita niya si Alan at dalawa pang kasamahan niya na gumagamit ng shabu.

Matapos ang pagdinig sa kaso, pinanigan ng RTC ang testimonya ni PO3 Alan at kinondena sina Simon at Doming.  Tama ba ang RTC?

MALI. Ang pagsama ni PO3 Alan bilang isang pulis sa isang buy-bust operation ay nagpapatunay na hindi mapagkakatiwalaan ang salaysay niya laban kina Do-ming at Simon.  Hindi dapat kalimutan na si PO3 Alan ay gumagamit ng ilegal na droga na siya mismo ang nagpatotoo at ito ang naging sanhi ng pagkatanggal niya sa serbisyo. Ang pagkaaresto niya nang minsang makasama siya sa pot session at paghuthot ng pera mula kay Simon para sa kanyang kalayaan ay patunay na walang kredibilidad at hindi makatotohanan ang kanyang testimonya.  

 Panuntunan ng prosekyusyon sa mga kaso ng ilegal na droga na bigyang halaga ang mga testimonya ng mga opisyal o pulis na kasama sa buy-bust operation kaysa mga akusado, lalo na’t walang duda na may kredibilidad ang mga pulis o opisyal na ito. Nagbabago lamang ang lahat kung ang kredibilidad ng saksi ay kaduda-duda at hindi mapagkakatiwalaan tulad ng kasong ito.  Ang testimonya ni PO3 Alan na gumagamit din ng droga at isang tiwaling pulis ay naglalagay sa kanya sa alanganin at hindi dapat pagkatiwalaan. Kinakailangang mapatunayan ng Korte ang pagwalang sala o pagkondena sa akusado ayon sa mga sirkumstansya at pahayag ng isang may kredibilidad na testigo (People vs. Sitco and Bagtas, G.R. 178202, May 14, 2010).

ALAN

AYON

DOMING

IDINAGDAG

PO3

SIMON

SITCO AND BAGTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with