Asset ni Supt. Manalo, buyer ni Ivan Padilla!
ISANG kaibigan kong retired police general ang agad tumawag sa akin nitong nakaraang Huwebes ng gabi.
Pinakiusapan ako na huwag ko nang dikdikin sa aking T.V. program sa BITAG Live sa UNTV si Supt. Maristelo Manalo, hepe ng Anti-Carnapping Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito’y matapos naming i-ere sa UNTV noong Miyerkules ng umaga, ang mga sinabi ng aming intel asset na si “Axel”.
Lumabas ang unang bahagi ng kolum kong ito noong Biyernes, may pamagat na “Supt. Maristelo Manalo, Sagutin mo ‘to!”.
Subalit hanggang sa isinusulat ko ang kolum na ito, wala pa rin kaming natatanggap na kasagutan kay Supt. Manalo.
Bagsakan ng mga karnap na sasakyan ni Ivan Padilla ang asset ni Supt. Manalo na si Francis Rigatillo alyas “Tisoy”. Alam ni Supt. Manalo ang mga aktibidades ni Tisoy.
Tatlong mga karnap na sasakyan ang mga nabili at naibenta na ni Tisoy, galing mismo kay Ivan Padilla nitong buwan lamang ng Hulyo.
Nakipag-ugnayan na ang grupo ng BITAG Investigative Team nitong nakaraang Huwebes ng umaga sa bagong nakaupo na NCRPO Chief Gen. Leo Santiago.
Ayon kay Gen. Santiago, ini-imbestigahan na si Manalo at ang kaniyang mga tauhan sa ANCAR-NCRPO. Kasalukuyang grounded na ang mga ito.
Ayon sa aming intel sa NCRPO, kung sisiliping maigi ang record ni Supt. Manalo, maglalabasan ang mga
patung-patong na dating kaso laban sa kaniya.
Si Supt. Manalo umano’y isang bigtime Casino financier. Sanlaan siya ng mga sasakyan at alahas ng mga naglalaro sa Casino.
Bago nangyari ‘yung shootout kay Ivan Pa-dilla at ang grupo ni Supt. Manalo, halos gabi-gabing nakatambay si Supt. Manalo sa may Marriot Hotel sa Pasay City.
November 2009, nahuli ni Supt. Manalo sa umano’y isang entrapment operation si alyas “Tisoy” na bumibili ng mga saakyang talon sa financing mula sa Casino.
Nanginginig na ngayon ang mga “bombolyas” ni Supt. Manalo. Hindi na namin aasahan na sasagutin niya ang kolum kong ito!
- Latest
- Trending