^

PSN Opinyon

'Teen Mafia' at ang media

- Al G. Pedroche -

Pabata nang pabata ang mga gangsters sa ating lipunan. Mga teenagers at yung iba’y lampas lang ng kaunti sa edad beinte na sangkot na sa droga, holdaping at karnaping. Nakakaalarma! Pati nga dose anyos ngayon ay naaasunto na ng rape.

Kamakailan ay napatay sa isang enkuwentro sa Makati City ang kabataang si Ivan Padilla na sinasabing utak ng isang sindikato sa carnapping na binubuo ng mga kabataan. Ang grupong ito ang umano’y nagnakaw kamakailan sa kotse ni Ambassador Roberto Romulo at SUV ng mga magulang ng aktor na si Derek Ramsey.

Naalala ko ang isang katatapos na teledrama sa Channel 2. Isa sa lead actors ay ang guwapo, batambata at popular na aktor na si Coco Martin. Ang papel niya ay isang aktibong miyembro ng sindikatong sangkot sa pandurukot at pangangalakal ng mga laman-loob ng tao na ibinebenta sa mga nangangailangan ng transplant. Mahusay na actor si Coco. Bilib ako. Kung ako’y isang kabataan, malamang idolohin ko siya pati na yung papel na ginagampanan niya.

Isang factor lang ang telebisyon at pelikula na malakas maka-impluwensya ng tao. Cathartic effect ang tawag diyan. Nung bata ako, kapag nanood ako ng pelikulang cowboy, paglabas ko ng sinehan, cowboy ang pakiramdam ko sa sarili. Kapag James Bond film, feeling ko secret agent ako.

Dapat maging responsable ang mga producers ng pelikula sa telebisyon man o sa mga teatro. Ang telebis­yon ay isang free medium na puwedeng mapanood kahit ng maliliit na bata. Hindi sapat ang anunsyong “parental guidance recommended” dahil madalas, hindi rin ginagampanan ng magulang ang paggabay sa anak sa panonood.

Mahalaga sa buhay natin ang mass media. Ito ang umuugnay sa atin sa iba pang bahagi ng mundo at nagpapatalas sa ating talino.

Pero isang katotohanan na bagamat may pakinabang ito, ang posibleng panganib na idulot nito sa tao ay malaki at puwedeng makasira sa sangkatauhan.

AMBASSADOR ROBERTO ROMULO

BILIB

COCO MARTIN

DAPAT

DEREK RAMSEY

ISANG

IVAN PADILLA

KAPAG JAMES BOND

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with