Resin smugglers yari kay BOC Commissiner Alvarez

NAGPISTA last week ang tatlong bigtime player ng plastic resin sa Bureau of Customs ng magpalusot ang mga gago ng halos 300 dami ng 40 footer container van kaya naman lugi ang gobierno dito dahil alaws binayad na buwis.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Hindi na bago ang mga pangalan ng mga notorious resin smugglers sa pier dahil kilalang - kilala ang mga ito sa bureau dahil naglalagay ito ng malaking halaga ng salapi sa kanilang kasabwat at picture lang o kaunting bigay pera sa mga hindi kasama o kausap sa nasabing puslitan blues.

Malaking pera ang pinaghahatian ng mga kamoteng players at mga kasabwat sa bureau kaya naman tuloy-tuloy ang operasyon ng mga intsik este mali lintek pala sa pier.

Noon iba pa ang panggulo este mali pangulo pala sa Philippines my Philippines sinasabing ang pamilyang ‘Yu’ ang namayagpag sa bureau at tumiba ng billion of pesos dahil malakas ang nakapitan o naging padrino nito sa malakanin este mali Malacañang pala

Siguro panahon na para gamitin ni Commissioner Boyet Alvarez ang kamay na bakal laban sa mga economic saboteurs dahil hangga’t tumitira ito sa bureau ang madlang people partikular ang mga mahihirap ang maapektuhan at siempre ang gobierno ni P. Noy ay damay din.

Bakit?

Bagsak ang revenue collection at ang mga gago lang sa bureau ang kikita ng salapi dahil sila-sila lang ang nagpapartihan. Tama ba ito, DOF Secretary Purisima?

Ang mga naipuslit ng mga bigtime players tulad ni Castillo ay 150 units na 40 footer container vans, si Valenzuela ay 40 piraso at si Gamboa ay may 160 piraso.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, P250,000 daw ang kuhaan ng bawat container sa mga importer ng plastic resin.

Ika nga, ‘all -in’.

Kung alaws bayad sa buwis aba ang laki ng kita ng mga gago.

Isa sa modus operand ng mga platic resin smugglers ay ang pagde-deklara nila ng zero tariff sa halip na 3% duty.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dumarating umano ang spektos sa Port of Manila o sa MICP pagkatapos makalabas dito dinadala daw ito sa Port of Batangas bilang transhipment cargo at doon na umano ito magpa-file ng consumption entry and hohokus - pokus ?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MIS­ MO, lihim na pinaiimbestigahan ni Commissioner Alva­rez ang nasabing tirahan matapos siyang abisuhan ng kanyang mga asset at alam ni Boyet na may paper trial ang mga shipments.

Abangan.

Sino si Lito Reyes sa NAIA

NAGULANTANG ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng makita ng mga ito si Lito Reyes sa customs arrival area last two Saturday ago at nakikialam sa customs examiner habang niriribisa nito ang bagahe ng isang lady Chinese.

Saan ba nakatalaga si Lito Reyes? 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dating nasa airport si Lito Reyes pero binitawan umano ng kanyang bossing dahil sa problema pero ngayon ay nasa tanggapan daw ito ni Atty. Rey Nicolas sa central office.

Bakit nasa NAIA?

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsama daw si Nicolas at Lito Reyes during election time mukhang si Senator Manny Villar ang dala daw nila sa pagka-pangulo?

Bakit?

May nakakita kasi sa kanila sa isang resto dyan sa Greenhills, San Juan na naka-suot umano ng mga borloloy ni Villar at hosted ang tsibugan blues ng isang ‘baste.’

Si Lito Reyes, ay sinasabing kasapi sa isang powerful na religious ‘kapatiran’ group na tumulong ng malaki kay P. Noy during election.

Abangan.

Show comments