^

PSN Opinyon

Gulo sa NAIA (2)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI na naipilit ng mga PASSCOR sekyu na isukbit ang kanilang mga baril sa loob ng mga terminal ng NAIA dahil sa takot na hulihin at kasuhan sila ng Philippine National Police.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa gusto ng isang top brass official sa MIAA na pagsukbitin ng mga boga ang mga PASSCOR sekyu at pumasok sa loob ng paliparan nagkaroon ng kaguluhan dito noon Martes kaya naman ang mga PNP-AVSE­GROUP ay napilitan disarmahan ang mga ito.

Siguro mas makakabuti na magbigay na lamang ang dalawang kampo ng isang proposol address to the Secretary of the DOTC para ito na mismo ang magbigay sen­yas sa suliranin upang maresolba ang malaking pro­blema sa paliparan.

Sabi nga, para hindi magkagulo!

Wala naman magagawa ang PNP-AVSEGROUP sa kagustuhan ni MIAA general manager Bodet Honrado na pagbarilin ang PASSCOR sekyu dahil siya ang bossing sa airport.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka ang PNP-AVSEGROUP pa ang magka-problema oras na palayasin sila sa terminal ng paliparan.

Sabi nga, confine to barracks!

Abangan.

Reklamo ng AOC sa MIAA

NAGULO ang operation ng mga airlines user’s ng mabigla sila sa pagpasok sa mga terminal ng paliparan yeterday morning dahil na late sila sa pagpasok sa haba ng pila sa pintuan ng entrance gate ng paliparan.

Bakit?

Isa-isa silang pinapirma sa notebook ng PASSCOR.

Ano ang dahilan?

May verbal order umano si Honrado sa mga ito na hu­wag papasukin ang mga empleado na may green access na ayaw mag-log sa marungis na notebook.

Sinabi ni Maria Lourdes Reyes, bossing ng Airlines Operation Council sa NAIA, hindi man lang sila nag­pa­labas ng memorandum para nasabi ko sa mga miembro namin na agahan ang pagpasok sa airport dahil may bagong policy si Honrado.

Sabi ni Reyes, siempre mali-late ang mga ito sa kanilang trabaho dahil ang haba ng pila sa mga entrance gate kaya karamihan sa kanila ay nagrereklamo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lahat ng may ‘green access’ including the media ay mag­re-rehistro sa entrance gate sa bawat terminal na ka­nilang papasukin.

Sabi nga, arrival area o sa departure area!

Hindi mapaliwanag ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit nagkaroon ng biglaan instruction ang management ng MIAA.

Ika nga, kung para sa monitoring para sa security ok lang kaya lang dapat nag-abiso ng mas maaga at hindi dapat verbal ang utos.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagmistulang ‘garrison’ ng militar ang NAIA sa ngayon dahil sangkatutak na tired este mali retired Generals ng militar ang nakapuesto sa mga sensitibong position sa MIAA.

Abangan.

ABANGAN

AIRLINES OPERATION COUNCIL

AYON

BODET HONRADO

LEFT

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with