^

PSN Opinyon

Ang Pork Barrel, bow

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MARAMING tumututol at marami rin ang may gustong tanggalan ng ‘countrywide defelopment fund’ o pork barrel ang mga nasa Kongreso.

Isa sa may gusto nito ay ang Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines dahil ayaw nilang patanggal ang pork barrel kahit na alam nilang nagiging ugat ito ng kati­walian sa Philippines my Philippines.

Sabi nga ni CBCP President Tandag Bishop Nereo Odchi malaking tulong sa madlang people ang pork barrel ng mga senador at mga kongresista.

Ang may gusto naman ipa-scrap ang pork barrel ay iyong mga pa-bright-bright na kontrabida na walang pakialam sa madlang public.

Sabi nga, sariling interes!

Ang pork barrel, ay malaking tulog este mali tulong pala sa madlang people ng Philippines my Philippines porke todits kinukuha ang pitsa para sa mga project ng mga mam­babatas partikular ang farm to market road, mga lansangan at siyempre ang very important sa lahat ang livelihood projects para sa people of the Republic of the Philippines.

Pero may mga pumapabor naman na tapyasan ang pork barrel dahil ito ang gusto ni P. Noy para mapagtaguan este mali tugunan pala ang P340-billion budget deficit ng Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan lang maging transparent si P. Noy sa pagbubulsa este mali pagpapalabas pala ng funding para matiyak na going straight ito sa madlang people at dehins sa bulsa ng mga politiko at maging sa mga kontratista nila.

Naku ha!

Hindi na siguro uso ito ngayon kay P. Noy...

Ika nga, wait and see!

Sabi nga, linawin lang kung saan talaga gagamitin and of course kung what projects ang dapat pondohan para ma­alis na ang intrigahan.

Kailangan ang madlang people ng Philippines my Philippines ang siyang makinabang ng husto todits at hindi ang mga kamoteng pulitiko.

Kahit si Sarangani Rep. at Peopl’s Champ Manny ‘Pacman’ Paquiao ay favor na huwag itong alisin dahil nga malaking tulong ito sa kanyang mga kababayan.

Ok ba, kamote!

Dangal ng Bayan Awardees

SIGURO dapat tignan ng Malacañang ang mga Dangal ng Bayan Awardees para dito sila kumuha sa mga gusto nilang bigyan ng puesto sa Philippine govenrment.

Bakit?

Sinala ng husto ang mga Dangal ng Bayan Awardees at hindi winarde-warde ang pagpili sa kanila porke katakut-takot na background investigation ang mga ginawa todits upang mapili ang mga nabigyan ng award.

Ang Dangal ng Bayan Awardees, ay Presidential Award na pinili ng Office of the Ombudsman at ng Civil Service Commission as mandated by Republic Act 6713.

Sabi nga, the most outstanding public service award at highest award as one of the basis for selecting a non-corrupt officials.

Sabi nga, kaunti lang sila at piling-pili pa!

Abangan.

Sinibak na BOC officials, kalkalin ng TC

SIGURO habang maaga pa dapat isama ng ‘Truth Com­mision’ ang mga nagsiyaman at naglalakihan bahay ng Cus­toms official para malaman nila kung saan nila na­kuha ang kanilang naging limpak-limpak na pitsa.

 Napapanganga ang madlang people kapag nakita ng mga ito ang haybol at magagarang sasakyan ng Customs dahil alam naman nila hindi sapat ang salary nila kung pag­babatayan ang kanilang new lifestyle.

 Sangkatutak ang may mga kaso na customs people sa Office of the Ombudsman na matagal ng inaamag.

 Sabi nga, pinatutulog!

Ika nga, gisingin na para mabulatlat.

 Abangan.

BAYAN AWARDEES

DANGAL

LEFT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINES

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with