^

PSN Opinyon

Don't take your time

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

TALAMAK ang balita ng kapalpakan sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan dala ng pagbabago ng liderato. Huwag nang isali pa ang hindi pagkaunawaang naganap sa pagitan ng Presidential Spokesman, ng Kalihim ng Edukasyon at ng Media. Kahit mahalaga ang papel ng media sa paghahatid ng katotohanan, ang relasyon nila sa mga nanunungkulan ay sarili na nilang abalahin.

Ang hindi maaring balewalain ay ang nagaganap na “pagmatrikula” sa mga kagawaran ng ilan sa mga bagong hirang na opisyal. Marami rin sa mga posisyong pinuno ni President Noynoy Aquino ay hindi pinaubaya sa mga next in rank na taga-loob. Maaaring mas propesyonal ang ganitong sistema dahil nakasisigurong hindi mamamayagpag ang mga dati nang nagpapanginoon. Ang problema’y madalas kailangang maghintay muna ang serbisyo habang nagsasanay pa ang bagong salta.

Maiwasan sana ang ganitong sitwasyon kung pinlano nang maganda ang transisyon at kung sana’y kusang siniguro na ng mga bagong puwesto na alam nila ang mga inaasahang gawin sa sandaling sila’y nanungkulan. Ang kaso’y sa ilan nang mga kagawaran, kapansin-pansin ang kawalan ng ideya ng mga bago, isang bagay na hindi man lang subukang itago sa dinadatnang burokrasya.

Nandyan ang pagpapairal ng diskriminasyon laban sa lahat ng nakapuwesto at ang pagiging diskumpiyado sa lahat ng dinatnang dedesisyunan, lalo na ang mga bayarin. Meron ding ngayon lang nakahawak ng mala-king opisina at sa nais na maging malapit sa mga kawani ay todo bukas ang tanggapan kahit pa sa pinakawalang halaga na request. Nabibitin tuloy ang ibang mas matimbang na kailangang aksyunan.

Maaring pagbigyan na lamang ang mga ito at ituring na bahagi ng anumang transisyon. Subalit alalahanin sana ng bagong mga opisyal na umaasa ang tao na agad nilang mapangangatawanan ang mga puwestong tinanggap at hindi masyadong mapeperwisyo ang serbisyo. Kung may “grace period” kayo, ito’y sanda-ling sandali lamang. Ang mga puwesto n’yo ay hindi premyo. Ito’y mahalagang kasunduan na pinasok ninyo sa ngalan ng tao para sa tao. Kaya sana’y bilis bilisan na ang pagsanay at ang bayan ay naghihintay.

EDUKASYON

HUWAG

KAHIT

KALIHIM

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with