^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa mga baluktot ang ginagawa

-

MABUTI na lang at hindi na umakyat pa sa Luneta Grandstand si dating President Gloria Macapagal-Arroyo at nakinig sa 20-minutong talumpati ni President Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon. Paano’y tatamaan siya sa mga binitiwang pananalita ni Noynoy. Siguradong tatamaan siya. Mabuti na lang at meron siyang mahalagang lakad kahapon at hindi na naghintay pa. Sa pag-alis niya sa puwesto, maraming nakahinga.

Makapal lamang ang hindi tatablan sa mga sinabi ni Noynoy. Sa umpisa pa lamang ng talumpati ay ang mga kabulukang nangyayari sa pamahalaan ang kanyang inupakan. Deretsahan at wala nang paliguy-ligoy pa. Masaktan na ang masasaktan.

Nakatutok sa mga gumagawa ng baluktot ang tema ng talumpati ni Noynoy. Tinukoy ang mga naghahari-harian sa kalsada, ang pinunong manhid sa daing ng taumbayan at ang mga corrupt na nagpapahirap sa taumbayan. Tapos na ang araw ng mga gumagawa ng baluktot at kanya nang tutuwirin para maibalik ang tiwala ng mamamayan. Hindi na uubra ang nakasanayang baluktot na kalakaran. Ang pamahalaan na ang kampeon ng mga kapus-palad.

Binanggit ni Noynoy na kapag napuksa ang corruption sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue maaari nang mapondohan ang para sa pangangailangan ng may kalidad na edukasyon, para sa kalusugan at para sa tirahan nang nakararaming mamamayan. Noon pa man, isinusuka na ang talamak na corruption sa Customs at BIR. Sa Customs, pera ang namamayani. Maski ang karaniwang empleado roon ay namemera. Bagsak ang koleksiyon sa Customs pero ang bulsa ng mga opisyal ay namumutiktik. Sa BIR ay pera-pera rin ang namamayani. Maraming opisyal at empleado na sanay na sanay nang mangurakot.

Pinalakpakan si Noynoy makaraang isa-isahin ang mga kabulukang nararanasan ng mamamayan at ang gagawing pagwasak sa mga baluktot na gawain. Mula sa madilim na pinanggalingan, unti-unti nang sumilay ang bagong liwanag para sa mga kapus-palad. Hihintayin na lamang ang pagwalis sa mga corrupt. Hindi na magtatagal ang mga gumagawa ng baluktot.

AQUINO

BAGSAK

BINANGGIT

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DERETSAHAN

NOYNOY

PRESIDENT BENIGNO

SA CUSTOMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with