^

PSN Opinyon

'Si Bagyong Langaw'

- Tony Calvento -

(Huling bahagi)

NUNG Lunes naisulat ko ang reklamo ni Rosario de Guzman sa kapitbahay niyang si Florincio “Abat” Barnachea.

Hindi na mabilang ang bangayan nila Rosario o “Beng” at ni Abat

Nung huli sagutan nila’y nagpalitan ng mura ang dalawa dahil naman umano sa pagiging salaula ni Abat at kinakasama nitong si “Charmaine” sa pagamit ng lababo.

“P*7@#6 i#@ mo! Anung problema mo?” sabi umano ni Abat kay Beng.

“P*7@#6 i#@ mo rin! Ikaw ang may problema, Hindi ko malaman kung anong galit mo sa’kin. Ikaw na nga itong pinaglaba ko at hindi nagbayad ng tama tapus ganyan ka pa?” sagot ni Beng.

Natigil ang away ng magkapitbahay. Inakala ni Beng na tapus na hanggang nitong Ika-12 ng Abril isang insidente ang naging dahilan para maulit ang kanilang bakbakan.

Bandang alas siete ng gabi habang papasok ang asawa ni Beng na si Arnel sa kanyang duty sa barangay. Naunang bu­maba ang bunsong anak nila na si ‘Yong’, di tunay na pa­ngalan (dahil menor-de-edad). Narinig nalang nila ang isang malakas na ka­labog sa ‘first floor’. Nalalag sa hagdan itong si Yong. Mula sa pangalawang palapag na meron labing dalawang baitang.

Pinulot nila ang bata sa swelo, duguan dahil pumutok ang ulo. Isinugod ito sa National Orthopedic Hospital sa Banawe.

Kwento ng isang kapitbahay, tanggal umano ang pako sa harang na inilalagay sa may hagdan. Ito’y proteksyon para hindi madisgrasya ang mga bata na nakatira sa second floor. Napasandal si Yong sa harang at dahil walang pako bumigay ito at gumulong ang paslit sa hagdanan dirediretso hanggang sa ibaba.

Nakarating kay Arnel na isang anak daw ng taga third floor na si Merlyn ang umano’y huling lumabas.

Kinausap ng mag-asawa si Merlyn, kung bakit pinabayaan nila ang kanilang anak na tanggalin umano ang pako. Na­ma­gitan ang may-ari ng bahay para hindi magkagulo at dahil aksidente walang dapat sisihin.

Habang nag-uusap sila, pumasok nalang bigla itong si Abat at sinabing, ‘Hindi naman magka­kaganyan ang anak n’yo kung hindi n’yo pinapabayaan! Kayo rin ang may kasalanan nyan!”.

Sumagot si Beng, “Nag-aayos na nga kami eh… Pwede ba? Huwag ka ng sumabat dito.”

Itong si Abat naman dahil ayaw niyang lumabas na puma­patol sa babae ang hinamon niya ng suntukan ay ang asawa ni Beng.

“Lumabas ka nalang dito pare! Suntukan tayo!” sabi umano ni Abat.

Tiningnan ni Arnel ang kanyang kakalabanin. Matangkad, ma­laki, katawan habang siya naman payat. Hindi nakapalag si Arnel, hindi niya pinansin.

Nagpa-‘blotter sila Beng sa barangay. Nagkaroon ng tat­long patawag subalit hindi nagkasundo ang dalawang panig. Kumuha na sila Beng ng ‘certificate to file action’.

Ilang beses umanong nanghingi ng tawad itong si Abat ayon kay Beng subalit naging matigas na ang mag-asawa. Sa ngayon dinidinig na ang kasong’ ‘threats and unjust vexation’ sa Prosecutor’s Office ng Quezon City.

Sa isang pangyayari na kaugnay rin dito,

Nahaharap din si Beng sa kasong Physical Injuries in relation to R.A 7610 (Child Abuse). Nagreklamo kasi sila Merlyn, binato umano ni Beng ng malaking pako ang kanyang anak na tinago namin sa pangalang Nona, (dahil menor-de-edad) Muntik na umanong tamaan sa mata ang bata.

“Sobra na ang mga nangyari sa akin. Anak ko na nga ang naagrabyado ngayon nadidiin pa ko isang kaso na hindi ko naman ginawa,” hinanakit ni Beng.

Gulong-gulo na si Beng sa kauudyok umano nitong si Abat kaya’t naisipan niyang magsadya sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” sng DWIZ882 (tuwing 3:00 ng hapon) ang istorya ni Beng.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maliwanag na ak­si­dente ang nangyaring pagkahulog nitong anak ni Beng walang may gusto pumutok ang ulo niya. Maari rin sabihin na ang batang limang taong gulang ay dapat gabayan. May mga bata pala sa ikalawang palapag, bakit pako lang ang pag­trangka sa harang bakit hindi matibay-tibay na ‘lock’ dahil baka sa susunod hindi na ganun kaswerte ang inyong mga anak. Ikaw naman Abat kung totoo nga ang pinaparating ni Beng, huwag kang maghari-harian sa lugar na yan. Kung malaki kang damulag dapat nga tumulong ka na mapanatili ang magandang samahan ng magkakapitbahay.

Madaling magsampa ng kasong child abuse subalit ang hinahanap ng isang Taga-usig ay kung ang karapatan ba o ang hinaharap ng isang bata ay sadyang nilabag at inabuso ng isang taong nasa gulang na maaring makaapekto ito sa kanyang paglaki. Dun makikitaan ng ‘probable cause’.

Kung totoo mang naibato ang pako at ito’y tumalsik at tumama sa bata, hindi ba ito’y aksidente lang kagaya ng nangyari sa ba­tang si Yong? Lubhang napakahirap na matira sa iisang pala­pag lamang ng isang bahay kung saan hindi n‘yo maiiwasan na magkabungguan tapus hindi pa kayo magkasundo. Mas maganda pa kung kayo’y mag-aayos na lamang. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

PARA sa inyong mga reaksyon at sa mga gustong dumu­log ang aming mga numero 09213263166 o sa 0919897285. Ang landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.         

* * *

Email address: [email protected]

ABAT

ARNEL

BENG

ISANG

KUNG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with