DALA ang mga dokumentong ipinakita sa BITAG ng tipster na si APO, pinatotohanan niya ang kanyang tip sa amin.
Print-out copy ng South San Francisco website kung saan nakapaskil ang mukha at pangalan ni Virgilio Teruel bilang pangalawa sa Most Wanted list ng kanilang siyudad.
Lumalabas sa mga record na dala ni APO, dating pulis ng Manila Police District si Teruel dito sa Pinas.
Habang nasa serbisyo, iba-ibang seryosong krimen ang kanyang kinasangkutan.
Ilan dito, multiple homicide, bank robbery, robbery hold-up, smuggling, extortion, kidnapping at grave misconduct.
Kaya taong 1982, nasama si Teruel sa List of Escapee Person ng Philippine Constabulary sa Camp Crame dahil tumakas si Teruel sa Pilipinas papuntang Amerika.
Makalipas ang mahigit 25 taon, muling bumalik si Teruel sa kanyang bayan sa Bgy. Sacrifice Valley kung saan katakut-takot na raw ang kanyang pinerwisyong mamamayan dito.
Sa patuloy na imbestigasyon ng BITAG, mula sa isang maimpluwensiyang pamilya si Teruel na kinikilala at nire-respeto ng Bgy. Sacrifice Valley sa Bataan.
Subalit ayon kay APO, ginagamit ni Teruel ang pangalan ng pamilya upang mang-abuso, maghari-harian at magsiga-sigaan sa kanilang lugar.
Sa isang video na ipinakita ni APO sa BITAG, kitang-kita ang panduduro ng Wanted na si Teruel sa isang pari matapos pilit ipakandado ang simbahan sa kanilang bayan.
Kanya daw ang lahat ng pag-aari na makikita sa lugar. Tila walang puwedeng sumuway sa kanyang kagustuhan.
Nakita rin sa video ang mga pulis at iba pang kalalakihang nakapalibot kay Teruel saan man ito magpunta. Sa aksiyon ng mga ito, makikitang nagsisilbing bodyguard ito ng astig na si Teruel.
Dagdag pa ni APO, dalawang buwan lamang daw ang taning na ibinibigay ng kanilang grupo para mahuli ang Wanted na si Teruel, kung hindi may hatol na ang kanilang grupo.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng BITAG sa Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation, kopya lamang ng warrant of arrest ang kaila-ngan ng mga otoridad para ma-
huli si Teruel.
Dito, nagpasya ang BITAG na personal na tunguhin ang South San Francisco Police sa California. Nakuha namin ang pahintu-lot ng hepe nito na makipagkita mismo sa kanyang tanggapan.
Abangan ang huling bahagi…