^

PSN Opinyon

Midnight deals sa LTFRB, LTO

SAPOL - Jarius Bondoc -

ANO itong nangyayari sa dalawang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation and Communication? Naghahabol ba sila ng kurakot bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 30?

Sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board paspasan mula Pebrero ang pag-aapruba ng ruta ng bus companies. Mahigit 400 bus ng isang kumpanya ang pinahintulutang bumiyahe muli patungong Southern Tagalog. Pending naman ang aplikasyon ng isang cabinet member para sa mahigit 100 bus na bibiyahe sa parehong rehiyon.

Tila ang opisyales ay may pinapaborang aplikante ng prankisa. Dati-rati tuwing Martes at Huwebes nang umaga lang naghi-hearings ng contested applications, o mga prankisa na tinututulan ng ibang bumibiyahe sa ruta. Ngayon halos araw-araw na nagdadaos, at biglaan pa kaya hindi nakakarating ang mga tumututol.

Sa Land Transportation Office naman, inaapura ang pag-award ng kontrata sa paggawa ng drivers’ licenses. Ang mga gagawing lisensiya ay para sa 2011 pa. Pero pilit na tinatapos ng LTO ang bidding sa mga huling araw ng Arroyo administration. Mas malala, tila lutong-makaw ang bidding. Tatlong pruweba ang ibinulong ng insiders:

Una, labis na masikip ang bidding schedule, para hindi makasali ang mga lehitimong supplier. Napaka-detal­yado ng specs para sa card printer, papel at tinta. Walang matinong bidder na makakasumite ng financial at technical offer sa loob ng 11 araw lamang mula pag-release ng bid documents hang­gang opening ng bids.

Ikalawa, ang specs ng card printer ay angkop sa iisang ma­nufacturer lang sa buong mundo. Halos kinopya ang product brochure nito. Tiyak panalo na ang sinumang bidder na maki-partner sa manufacturer.

Ikatlo, pinipilit tapusin ang bidding miski patapos na ang Arroyo admin. Hindi mahintay ng opisyales na maluklok muna si bagong Presidente Noynoy Aquino bago ibahagi ang kontrata.

DATI

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

HUNYO

HUWEBES

IKALAWA

IKATLO

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

SA LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

SA LAND TRANSPORTATION OFFICE

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with