Ang unang tuntunin ng isang wagas na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ay “limutin ang ukol sa kanyang sarili”. Ito ang ating paala-ala at tuluyang panalangin para sa bagong pinuno (presidente) at kanyang pamunuan dito ng ating bansang Pilipinas. Iugnay natin ang Salita ng Diyos sa mga pagbasa sa ating pagdiriwang ngayong araw ng Linggo.
Atin hingin sa Panginoon ang biyaya na Kanyang ipinagkaloob sa lahi ni David na naging mahabagin at mapanalangin (Merciful and Prayerful) tulad ng paglitaw ng isang bukal ng tubig na maglilinis sa ating lahat na panibagong bansa. Limutin na natin ang mga kasalanan at karumihan ng ating sambayanan. Mayroon na tayong bagong presidente. Ipanalangin din natin siya sa kanyang misyon ng pagbabago at pagpapaunlad sa Perlas ng Silangan.
Samahan natin siya sa pag-awit ng Salmo 63: “ Aking kinasasabikan, Panginoon, ikaw lamang”. Sundin natin ang liham ni Pablo sa mga taga-Galacia na tulad ng mga Judio at Griego ay tayo din ay pagkaisahin ni Kristo. Anomang uri ng ating pagkatao, pinuno man o manggagawa ay dapat maging pantay-pantay sa ating pananalig kay Kristo.
Ang lubusang pagkakilala natin kay Hesus ang ganap na magpapalakas sa ating pananampalataya at pagkakaisa sa ating pamayanan. Tinatanong tayo ni Hesus sa ating pagdiriwang ngayon. SINO SIYA PARA SA ATIN? Tulad ng Kanyang pagtatanong sa mga alagad: “Sino raw ako ayon sa mga tao”. Sabi nila Siya si Juan Bautista, si Elias o nabuhay ang isa sa mga propeta. At nang mismo Niyang tanungin ang mga alagad: “Kayo naman, ano ang sabi ninyo?” Si Pedro ang sumagot: “Ang Mesiyas ng Diyos”.
Para bang tinatanong tayong mga Pilipino. Sino ang presidente ninyo? Sa ating pagsagot ay sinasabi sa ating lahat ni Hesus na ang pamumuno sa ating bansa ay isang pagsunod sa Kanya ay dapat magbata ng maraming hirap para paunlarin at isakatuparan ang kanyang misyon. “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin ang ukol sa kanyang sarili”. Ang isang pinuno ay hindi dapat maging makasarili.
Ang unahin niya ay pag-lilingkod sa bayan at kai-lanman ay hindi ka paba- bayaan ng Maykapal.
Kagalang-galang na PANGULONG NOYNOY AQUINO, CONGRATULATIONS.
Sa iyo at sa lahat ng mga Ama: HAPPY FATHERS’ DAY. Ikaw ang Ama ng aming bansang PILIPINAS!
Zac12:10-11, 13-1; Salmo63; Gal3:26-29 at Lk9: 18-24