Si Mayor Romar Marcos

NAGSASAKLA este mali naglalamay pala ngayon ang mga constituent ni Mayor Romar Marcos ng Naujan, Oriental Mindoro porke kinuha ito ni Lord last Tuesday ng malagutan ng hininga sa PGH.

Halos crying in the rain ang madlang people dyan sa Naujan including si Atty. Biyong Garing sa pagkawala ng kanilang alkalde.

Para sa mga taga-Naujan ang pagkawala ni Mayor Marcos ay isang masakit na bagay dahil nawalan sila ng isang honest at sincere public servant.

Ang labi ni Mayor Marcos ay nakalagak sa tahanan nito sa Poblacion, Naujan, Oriental Mindoro.

Ipagdasal natin ang kaluluwa ni Mayor Marcos.

Amen!

Tirador na kolektor ng vices balik Maynila

DAPAT siguro makarating sa Camp Crame ang ope­rasyon ni Ver kabaro sa Maynila porke kailangan balian na ito ng pakpak o kaya sa Mindanao ito dalhin para makita niya kung paano talaga ang maging tunay na police.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, miembro ng foolish cop sa MPD itong si Ver nabaro kaya lang matagal din nawala sa nasabing lugar dahil itinago sa NCRPO para gamitin ng isang kamoteng official todits para manghataw sa mga vices sa Maynila.

Kasama ni Ver nabaro ang isang Macasaet na isang civilian at bata ng isang kamote dyan sa MPD pero malapit na daw na malaglag ang mga ito kasi papalitan na sila.

Si Ver nabaro at Macasaet ay mga kolektor sa mga illegal dyan sa Maynila tulad ng mga illegal vendor, club owner, 1602 operators sa Divisoria, Binondo at Sta. Cruz.

Puera pa rito ang jueteng operation ni Gina na sila ni Ver nabaro at Macasaet ang kolektor na nagsasamantala sa mga ito.

Ipinagmamalaki ng dalawang ito na dehins sila kayang wakwakin ng kahit sinong lespu sa Maynila porke ginagamit ng mga kamote ang pangalan ni MPD Director Rudy Magtibay.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Para sa kaalaman ng mga rakpadudels dyan sa Maynila isang simpleng lespu sa katauhan ni Alex Guiterrez ang papalit kay Magtibay.

Abangan.

Totoy Jaruta ang jueteng king

MATAPOS lampasuhin ni Laguna Governor-elect ER Ejercito si Nining Lazaro sa katatapos na election ang mga constituent naman ng Laguna ang pumupustura sa una na patigilin sa jueteng operasyon ang isang Totoy Jaruta, ang jueteng king ng Laguna.

Matindi ang jueteng operation ni Totoy Jaruta sa San Pablo, Alaminos, Calamba at Pagsanjan dahil ume­engreso ito ng mahigit sa P3 million kada araw.

Sabi nga, from Monday to Sunday!

Ika nga, walang humpay ang bola.

Ngayon bago na ang governor ng Laguna siguro naman puede na itong kumumpas para matigil na si Totoy Jaruta dahil ang mga yorme sa lugar na may dayaan bolahan ang hari ng jueteng ay hindi mapatigil.

Bakit kaya?

Abangan.

3-cock derby

INIIMBITAHAN ni Atty. Biyong Garing, Edson Ray­mundo at Ted Dagdagan ang mga sabungero para sa gaganapin 3 cock derby sa Victoria Cockpit Arena, Victoria, Oriental Mindoro ngayon June 25, 2010.

Show comments