SA mga sumusubaybay ng kolum na ito at ng programang BITAG, hindi malilimutan ang kaso ni “Baby”.
Si “Baby” ang disisais anyos na dalagang biktima ng gang rape sa Bataan ng grupo ng kalalakihang anak ng mayayaman at maimpluwensiya sa Hermosa, Bataan.
Sino nga ba ang makakalimot sa hagulgol ng menor de edad na sinapit ang mapait na kapalarang maging biktima ng gang rape.
Ang masakit rito, si Baby na ang biktima, siya pa ang pinalalabas na gumagawa ng kasinungalingan.
Masahol pa rito ang sinapit ni Baby dahil nabaluktot ng kaniyang mga kalaban ang hustisya.
Oktubre 2006 nang hilingin ni Baby at ng kanyang mga magulang sa tulong ni Atty. Pete Principe ng Volunteers Against Crime and Corruption sa Department of Justice na ilipat ang lugar ng paglilitis sa Maynila imbes sa Bataan.
Ito ay dahil sa maimpluwensiya nga ang pamilya ng suspek sa kanilang probinsiya.
Subalit Nobyembre ng parehong taon, i-dinismiss ni Fiscal Joey Saldaña ng Bataan Regional Trial Court Branch ang kaso na isinampa ng biktima.
Ang dahilan, lack of interest daw ng biktima na kung tutuusin hindi pa dapat isinasagawa ang paglilitis dahil kasalukuyang nasa tanggapan ng DOJ ang hiling ng panig ng biktima.
Apat na taon nang tinututukan ng BITAG ang kasong ito, kung saan Pebrero ng taong ito muling narinig ng lahat ang hagulgol ng biktimang humihingi ng hustisya.
Walang pinag-iba ang hagulgol ni Baby noong 2006, sa hagulgol niya ngayong 2010.
Ang kaniyang panawagan, desisyunan na ng DOJ ang simpleng kahilingan na change of venue.
Sa muling pagkilos ng BITAG, nitong nagdaang Abril,
nakakuha kami ng kasagu-tan at kalinawan sa kaso ni Baby. Napaunlakan ng DOJ na ilipat ang hearing ng kaso sa isa sa mga probinsiya sa Region 3 samantalang ang preliminary investigation ay sa DOJ mismo gagawin.
Ayon sa DOJ, nagpapadala raw sila ng subpoena kay Baby sa address nito sa Hermosa, Bataan.
Sagot ng biktimang si Ba-by na ngayo’y nasa hustong gulang na, “wala kaming natatanggap”. Naglalaro nga-yon sa isipan ng BITAG na hinarang at sadyang hindi ipinarating sa biktima ang imbitasyon ng DOJ.