^

PSN Opinyon

Hindi ang buong AFP

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI iniinsulto ng madlang people o ng Aquino administration ang Armed Forces of the Philippines dahil iilang opisyal lang ang pinaguusapan dito at hindi ang buong institution o militar.

Alam ng lahat ang naging sistema kaya marami militar sa loob ng AFP ang sumama ang loob sa nangyaring appointments kasi nga sangkaterba ang naapakan.

Ika nga, 77 ang naungusan.

Sabi nga, sira ang chain of command.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Hindi na kumibo ang iba porke sinunod na lamang nila ang gusto ng kumag este mali commander in chief pala kaya ang mga hindi binigyan ng puesto ay nasa isang sulok na nagiiyakan at ang mga pinaupo at naging naghari sa mga puesto ay naghahalakhakan.

Malaki ang pasasalamat ng ilang militar at mababago ang commander in chief sa Philippines my Philippines at ang uupo ay tila walang gana sa mga pinaupo.

Sabi nga, masisibak!

Bhe buti nga. Hehehe!

May mga opisyal na binigyan ng gintong trono ang nabalewala ang posisyon at kinakabahan .

Bakit?

Sabit sila sa Commission on Appointments kaya naman nabaligtad ngayon ang takbo ng situasyon mukhang hindi talaga sila tatagal sa puesto.

Totoong professional ang AFP wala naman kumukuestiyon sa usaping ito pero ang mga nabigyan ng trono ang kinukuestiyon.

Ano ba ang dahilan bakit sila nabigyan ng trono gayun marami ang kontrapelo?

Sagot - MISTAH ang commander in chief noon kasi.... kaya ayon.

Walang kumukuestiyon sa kakayahan at ambag ng AFP sa katatapos na eleksyon kaya naman palakpak ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa kanila.

Ang kinukuestiyon natin ay nagkabantayan noon eleksyon.

Sabi nga, hindi nakakilos dahil tiyak blood shed?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kung papalarin si AFP Chief of Staff Delfin Bangit et al kay newly elected Prez Noynoy Aquino na ipagpatuli este mali ipagpatuloy pala ang paghawak sa mga magigiting na militar sa Philippines my Philippines ‘congrats’ kung hindi naman ‘go down’.

Sabi nga, the pressure este mali pleasure pala of the President of the Republic.

Ika nga, Noynoy Aquino is the name!

Abangan.

Edwin Pichay, maniac

MUNTIK ng mabiktima ni Edwin Pichay ang isang magandang bebot last Saturday night sa isang resort sa Sta. Cruz, Zambales kung hindi pumalag at nakatakbo palabas ng kuarto ang tsikas sa maniac.

Sabi nga, rape!

Sa sumbong ng bebot sa mga kuwago ng ORA MISMO, umakyat siya sa 3rd floor ng resort building para magpunta sa kuarto ng kanyang utol para kumuha ng toothpaste pero pagdaan sa kuarto ni Edwin maniac na nakabukas ng gabing iyon ay bigla na lamang siyang hinaltak, hinalikan kaya lang hindi nagawa ng buhong ang kanyang balak dahil itinulak at pumalag ang bebot.

Ika nga, isinalya.

Inireklamo ng bebot ang maniac sa Sta. Cruz Police Station pero sa bandang huli ay inatras na rin nito ang sumbong dahil sa awa sa mga anak ng buhong.

Nagkaroon kasi ng team building ang mga basketbolista sa Sta. Cruz kaya nagsama-sama ang mga ito at mga pamilya ng players para sana magkaroon ng bonding ang mga manlalaro at mga magulang nila.

Hindi kakilala ng bebot si Edwin maniac minsan lamang nito nakita ang huli ng magkaroon ng laban sa basketball ang kanilang sinusuportahan team dahil ang akala pa nga ng una ay driver ang buhong.

Ngayon Edwin maniac sabihin mo sa mga kabit mong bebot at mga anak mo kung may karapatan silang ma-trauma sa kalibugan ginawa mo o ang bebot na muntik mong gahasain at ang pamilya nito ang na trauma sa kagaguhan mo?

Para malaman ng pamilya mo ang sinasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kamuntik ka ng makulong sa kasong attempted rape pumunta sila sa Sta. Cruz, Zambales Police Station at doon nila tingnan ang blotter.

Itong si Edwin maniac, for the information of the readers ay isang abogado daw dahil ang pakilala nito sa mga nakilala niyang magulang na basketball players na kasamahan ng kanyang anak ay lawyer iyon pala abogago dahil lagapak pala ito sa bar.

Sabi nga, semplang!

Ang nanay mismo ni Pichay ang nagsabi sa Chief Kuwago na bagsak ito sa bar.

Ika nga, pati magulang niya ibinuko ka. Hehehe!

Nabuko ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi na pala empleado ng Bureau of Immigration si Pichay inalis na pala ito sa bureau ng berepikahin kay Atty. Patch Arbas, Chief of Staff ni BI Commissioner Marcelino Libanan.

Panay kasi ang bida ni Pichay na maasim siya sa kanyang tanggapan kapag nagkakausap ang mga magulang ng players.

Mag-ingat kayo kay Edwin Pichay.

CRUZ

EDWIN

EDWIN PICHAY

IKA

KAYA

PICHAY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with