^

PSN Opinyon

Walang katapusang gulo sa Mt. Diwalwal

DURIAN SHAKE -

ISANG malaking hamon para sa administrasyon ni Pres­ident-elect Benigno “Noynoy” Aquino III ang issue sa Mt. Diwalwal, Monkayo, Compostela Valley, lalo na ang mainit na usapin ukol sa 729-hectare area na sina­sabing may pinakamayamang deposito ng ginto sa nasa­bing gold-rush site na nagkakahalaga ng higit $18 billion.

Kung tutuusin libu-libong tao na rin ang namamatay sa Mt. Diwalwal simula pa noong early 1980s nang nag-umpisa ang small-scale mining operations sa area, hang­gang sa pumasok na rin ang mga malalaking kapitalista.

At nito ngang huli, ay naibenta na ang tatlong parcel sa 8,100-hectare na Mt. Diwalwal mineral reservation area maliban na lang sa 729-hectare area na dapat sana ay naka-schedule ang submission and opening of bids ngayong June 7 ngunit ito ay na-postpone ng Philippine Mining Development Corporation (PMDC) to July 30.

Ngunit iba ang gusto ng may 40,000 na small-scale miners na matagal nang nagtatrabaho sa Mt. Diwalwal.

Ayon kay Mt. Diwalwal Barangay Captain Franco Tito, talagang haharangin ng mga minero ang ano mang balak ng PMDC na ibenta ang 729-hectare area.

Dadanak daw ang dugo kung pipilitin ng PMDC ang pagbenta ng nasabing 729-hectare area.

Ayon kay Franco Tito, ang mga small-scale miners ang dapat makinabang sa Mt. Diwalwal at hindi ang mga dayuhang korporasyon na tiyak dadalhin lang nila sa labas ng bansa ang perang makukuha nila sa minahan.

Ang tanong ngayon ay kung paano ito reresolbahin ng administrasyong Aquino.

Masalimuot ang issue sa Mt. Diwalwal. Kaabang-abang paano ito aayusin ni President-elect Noynoy.

AQUINO

AREA

AYON

COMPOSTELA VALLEY

DIWALWAL

FRANCO TITO

MT. DIWALWAL

MT. DIWALWAL BARANGAY CAPTAIN FRANCO TITO

NOYNOY

PHILIPPINE MINING DEVELOPMENT CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with