^

PSN Opinyon

Pasukan na naman

PILANTIK - Dadong Matinik -

Pasukan na naman ng mga eskwela

Pero hanggang ngayon ay nangangapa pa

Ang mga magulang na hindi na kaya –

Na ang mga anak ay mapag-aral sana!

Paano’y marami ang mga magulang

Na naging pabaya sa sariling angkan;

Trabahong mahirap ay tinatakbuhan

Kaya mga anak nasa lakwatsahan!

Hindi lamang isa kung hindi marami

Mga ama’t inang nagkalat sa kalye

Sapat nang sila ay kumain at hindi

At ang mga anak hindi na intindi!

Pati ang gobyerno ay nagpapabaya

Mga paaralan ay hindi rin handa;

Di ba’t hanggang ngayon ay nakatihaya

Mga paaralang binagyo’t binaha?

Mga mag-aaral ang inaasahang

Maglinis, mag-ayos mga paaralan;

Tulong ng gobyerno ay kulang na kulang

Umaasa pa rin sa tulong ng bayan!

Sa lagay na ito’y paanong dudunong

Mga kabataang sa kalye’y naglaboy;

Tinatawag sila na mga “kanto boys”

Sapagka’t mag-aral ay hindi na layon!

Inakala nating sa automated voting

Magiging maayos ang halalan natin;

Gastos ng Comelec sa naturang system –

Ang hirap ng bayan ay kayang hanguin!

Kaya nga sa ating mga eskwelahan

Wari’y bigumbigo mga kabataan;

Hinihintay nila’y result ng halalan

Baka matrikula’y posibleng babaan!

Mga pulitikong dapat umayuda

Doon sa Kongreso nagkakagulo pa;

Ang maraming botong dapat nabilang na –

Binibilang pa rin – bayan ang salanta!

BINIBILANG

COMELEC

GASTOS

HINIHINTAY

INAKALA

KAYA

KONGRESO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with