^

PSN Opinyon

'Ano po ang mga sintomas ng cancer sa cervix?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, ako po ay 30 years old at dalaga pa. May nakapagsabi po sa akin na ang mga kababaihang late mag-asawa ang kadalasang nagkakaroon ng cancer sa cervix. Nag-aalala po ako dahil ako nga ay nasa 30-anyos na. Totoo pa ba yun? At ano po ba ang mga sintomas ng cancer sa cervix. Salamat po.  —WORRY GIRL ng Pembo, Makati City

Sa Filipino o Tagalog, ‘yang cervix ay tinatawag na ku-welyo ng bahay bata. Ang cancer sa cervix ay karaniwang tumatama sa mga kababaihang may edad 35 hanggang 55. Sa mga pag-aaral, mas nagkakaroon ng cancer ang mga babaing may poor personal hygiene o yung mga babaing hindi malilinis sa kanilang katawan.

Karaniwan din itong tumatama sa mga kababaihan na maagang nagsipag-asawa. Yun bang mga nagsipag-asawa na edad kinse na sinasabing may gatas pa sa labi. Karaniwan ding nagkakaroon ng cancer sa cervix ang mga kababaihang nanganak nang marami. Yung mga babaing “mahilig” at nagkaroon ng iba’t ibang sexual partners ay nasa panganib na magkaroon ng cancer sa cervix.

Ang mga sintomas o signs na may cancer sa cervix: Abnormal na pagdurugo ng vagina o pagkakaroon ng discharge na mabaho. Pananakit ng ibabang bahagi ng tiyan o puson. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang. Kapag ang babae ay meron o nakaranas ng mga nabanggit, kumunsulta sa OB-GYN para sa proper examination at pap smear.

CANCER

CERVIX

DR. ELICA

KAPAG

KARANIWAN

MAKATI CITY

PANANAKIT

PEMBO

SA FILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with