Magaling na mayor

Sa pitak na ito’y isang kandidato

Sa poll automation ay gustong manalo;

Siya’y ang alkaldeng ngayo’y nakaupo

Sa mga nagawa ay numero uno!

At ito’y sa amin – San Pedro, Laguna

Maraming candidate hindi na kilala;

Marahil seguro ang layunin nila

Ay bakasakaling sila’y makilala!

Ang kilala rito’y si Mayor Cataquiz

Sa muling pag-upo’y natupad ang nais;

Baya’y napaganda, naayos ang buwis

Kaya itong baya’y nagbago’t nagbihis!

Ang trapik at daloy ng mga sasakyan

Ngayo’y maayos na at walang siksikan;

Mga sidewalk dito ay pinalakihan

Nalinis ang kalye at mga imburnal!

Programang pambayan saka pangkultura

Sa pana-panahon sa baya’y nakita;

Sa mga awitin napuno ang plasa -

Ang mga makata’y nakatutula pa!

Bahay ng gobyerno ay kanyang naayos

Naglaho ang dumi at amoy mabantot;

Sa mga tanggapan pag ika’y pumasok

Mga empleyado’y nakalulugod

Kaya ngayo’y tingnan at ang kalinisan

Sa lahat ng dako ay mapagmamasdan;

Mga sidewalk vendors nasa tamang lugar

Mga negosyante ay nasisiyahan!

Pagka’t negosyante saka civic leader

Sa seniors at bata mayor ay mabait;

Kanyang ginagawa’t mga iniisip –

Pag-unlad ng bayang kanyang iniibig!

Ang bayang ganito’y ngayon lang nakita

Sa maraming lugar dine sa Laguna;

Kaya sa San Pedro kung boboto ka na –

Si Mayor Cataquiz dapat ibandera!

Show comments