IPINANGANAK si Erap noong Abril 19, 1937 sa Tondo, Manila. Pinalaki siya ng kanyang mga magulang na sina Engineer Emilio Ejercito at Maria Marcelo sa magandang asal at tunay na pagmamahal sa kapwa.
Nag-aral siya sa Ateneo de Manila University at Mapua Institute of Technology. Noong 1920s ay pumasok siya sa pelikula. Kinilala siya bilang highly-accomplished actor at limang beses ginawaran ng Best Actor Award ng FAMAS at dalawang beses idinambana sa FAMAS Hall of Fame noong 1981 at 1984. Itinatag niya ang Mowelfund para tumulong sa mga empleyado sa movie industry sa kanilang pangangailangang pinansyal at professional and career development.
Noong 1967 ay naging mayor siya ng San Juan. Pinaunlad niya ito at ngayon ay naging isang dinamikong lungsod. Isinulong niya sa San Juan ang pagsasaayos ng mga eskwelahan, pagpapatayo ng mga health center, barangay hall at playground, instalasyon ng mga poso at pagpapaaral sa mga kabataan. Itinatag niya ang ERAP Para sa Mahirap Foundation, na nagbibigay ng scholarship sa mahihirap na kabataan, gayundin ang grupong “Friends of Joseph Estrada” para sa free burial assistance ng mga mahihirap.
Hinirang siyang isa sa “Ten Outstanding Young Men (TOYM) in Public Administration” ng Philippine Jaycees, “Outstanding Mayor and Foremost Nationalist” ng Inter-Provincial Information Service, “Most Outstanding Metro Manila Mayor” ng Philippine Princeton Poll at isa sa “1989 Three Outstanding Senators” ng Free Press. Noong 1987, naging senador siya at chairman ng Committee on Public Works at kinilala sa pag-akda ng landmark law para sa pangangalaga ng kalabaw at sa kanyang nangungunang kampanya sa terminasyon ng kontrober syal na RP-US Military Bases Agreement.
Noong 1992 ay nahalal siyang vice president, at noong 1998 ay naging presidente sa pamamagitan ng pinakamalaking boto sa kasaysayan ng Pilipinas. Ayon kay Erap, ipagpapatuloy niya ang taos-pusong pagsisilbi sa taumbayan sa kanyang pagbabalik sa Malacañang.