No revenue, no pork policy dapat ipatupad

KAILANGANG tumalima si Presidente Arroyo sa sariling patakarang itinakda niya kaugnay ng 2010 National Budget: Na ang release ng kontrobersyal na pork barrel ay dapat nakadepende sa availability ng revenue. No revenue, no pork. Ito ang admonition ni senatorial candidate Ralph Recto kamakailan.

 Logical ito dahil ang pork barrel na inilalaan sa bawat mambabatas ay nagmumula sa nalilikom na revenue ng gobyerno. At kung revenue ang pag-uusapan, napakalaki ng budget deficit ng pamahalaan! Umaabot ito sa P110 billion para lamang sa first quarter ng fiscal year na ito. Ani Recto “This means, following the presidential directive, frozen   pork cannot be thawed”.

Kaso, tila kahit walang revenue, mukhang walang-patumangga ang release nito. Saan nanggagaling? Sa salaping inuutang! Sabi ni Recto, kung di mapipigil ito, lalo pang lolobo ang deficit mula sa P293 billion na aabot sa P358 billion. Iyan ay kung ipalalabas ang buong P64.6 bil­lion na pondong nakalaan sa pork barrel.

 Korek si Recto. Huwag nang palalain ang situwasyon. Kawawa naman ang susunod na Pangulo kapag nagka­baun-baon sa utang ang gobyerno natin. Kawawa ang taumbayan na mapagkakaitan ng mga importanteng serbisyo. Isuspinde muna ang pagpapalabas ng pork barrel na nakapaloob sa regular appropriations hanggang sa ito’y puwede nang I-release kapag maayos na ang koleksyon ng buwis. Bukod diyan, walang dapat pinipiling bibigyan nito regardless of political affiliation.

 Sabi nga ni Recto, “the Palace cannot subject one group to  pork abstinence while ordering a pork feast for its friends”. Sige, kayo rin. Baka kayo matigok sa high blood!

Show comments