NP pikon sa TOPAK

BINANATAN ng todo ni Nacionalista Party Secretary General Senator Allan Peter Cayetano ang tinaguriang tropang TOPAK o “Trapo, Oportunista, at Kamag-Anak Inc.” ni Liberal Party (LP) presidential bet Noynoy Aquino ang sinasabing nasa likod ng matinding paninira kay NP standard-bearer Manny Villar.

Galit na sinabi ni Allan dapat malaman ng madlang people kung anong klaseng mga tao ang nagpapatakbo ng kampana este mali kampanya pala ni Noynoy.

Sabi ni Allan, ang TOPAK ang nagsilbing core group ni Presi­dente Arroyo at kasalukuyang core group naman ng LP.   

Hindi dapat magsiraan sa pulitika dapat ipakita sa madlang people ang plataporma at kung ano ang ikabubuti ng mamamayan pinoy para sa bayan at hindi iyong mga paninira na gaya ng mga ginagawa ng mga kalaban ni Manny.

Dapat lutasin ang kahirapan at hindi iyong mga paninirang puri.

Gusto ni Villar at ng mga tropa nito sa NP na hamunin sina Noynoy at ang TOPAK na pag-usapan kung paano maiaahon ang madlang people sa kahirapan na dinadanas ng karamihan sa pinoy.

Abangan.

Si Zarraga naman

NAHAHARAP sa katakut-takot na case problema si dating party-list Congressman Jaime Zarraga na isinampa todits.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinungkit si Zarraga ng mga ahente ng NBI ng dumalo sa isang pagdinig sa Bulwagan ng Katarungan sa Pasig dahil sa patung-patong na kaso ng estafa at illegal recruitment.

Sabi nga, yari ka!

Nagkaroon ng malaking problem si Zarraga sa NTC ang huli kasi ang namamahala sa paggamit ng state-owned radio bandwidth, at ayon sa kanila, nawalan ang pamahalaan ng halos P325 million worth ng spectrum user’s fee sa loob ng limang taon dahil lamang sa hindi nila maipagamit ang huling natitirang frequency sa mga wireless operators.

Ayon sa ibang Telco industry sources, inupuuan lamang ng VOM at Exodus ang frequency na iginawad sa kanila sa kadahilanang umaasa silang bibilhin ito sa mas mataas na halaga ng mga tunay na operators na may kakayahang magpatakbo ng ganitong uri ng negosyo.

Pinalalabas pa ni Zarraga na siya ang kawawa sa labanang ito sa pagitan ng kanyang kompanya at ng pamahalaan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO sa NBI, ipinalabas ang mga warrant noon pang 1995 at karamihan sa warrant na ito ay lumabas noong 1996 o halos isang dekada na ang nakalilipas.

Hindi ito kaagad naihain sapagkat biglang nawala si Zarraga at nagtago at napabalita pang nagtungo na ito sa ibang bansa upang makaiwas sa mga kasong nakasampa laban sa kanya. Ngunit nadakip kamakailan si Zarraga makaraang dumalo sa isang pagdinig ukol sa kanilang kasong isinampa laban sa NTC ukol sa pagpapamahagi ng huling natitirang frequency.

Akala yata niya na nakalimutan na ng mga taong niloko niya sa pamamagitan ng estafa at illegal recruitment ang mga atraso niya.

Nalaman ng NBI na nasa Maynila lamang si Zarraga at dahil sa mga naglabasang ulat sa media, nakilala siya na kumakatawan sa kompanyang VOM at Exodus.

Alam naman natin na karamihan sa mga kababayan nating naghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay from the probinsya na naghahanap ng magandang buhay para sa kanilang mahal sa buhay.

Ilan sa mga ito ay anak ng mga magsasaka at galing sa mahihirap na pamilya na halos mamuhunan ng pawis at dugo para lamang mabigyan ng pera ang kanilang mga kamag-anak upang makapag-trabaho sa ibang bansa.

Ayon pa sa rekord ng NBI, mayroon 759 bilang ng kaso si Zarraga kasama na dito ang ilang daang bilang ng illegal recruitment at estafa sa iba’t ibang korte sa bansa tulad ng Makati, Manila at Pasig, maging sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Iloilo. 659 sa kasong ito ay sa illegal recruitment at 95 naman para sa estafa.

Sinampahan siya ng kaso ng illegal recruitment makaraang sumingil ang kanyang kompanyang United Effort Manpower and General Services, Inc. ng higit sa itinakda ng batas. Ito ay labag sa batas na nakasaad sa Article 34 par. (a) ng Presidential Decree 442.

Ilan sa mga mabibigat na kasong kinakaharap ni Zarraga na hindi maaring maglagak ng piyansa ay ang: Large Scale Illegal Recruitment na may 5 counts (3 sa Nueva Vizcaya at 2 naman sa NCR), Syndicated Illegal Recruitment (1 count sa Makati), Violation of Migrant Workers Act (1 count) at Illegal Recruitment (ord) (14 counts, na kung pagsasama-samahin ay maaring ituring na large scale).

Rolly bias at Aging luslusan

MATINDI ang jueteng operation ni Rolly bias sa Mindoro Occidental dahil kinakanlong pala ito ng mga bugok na pulitiko at foolish cops todits.

Samantala, grabe ang jueteng operation naman ni Aging luslusan dyan sa Olongapo hindi siya matinag sa dayaan bolahan operation niya kahit na minsan na itong kinalawit ng grupo ng kidnap for ransom gang.

Abangan

Show comments