^

PSN Opinyon

'Hugas Kamay (?)'

- Tony Calvento -

SA ISANG agaw buhay na sitwasyon mahalaga ang bawat sandali.

Ito ang pinagdidiinang dahilan kung bakit nagre­reklamo ang mag-asawang Rosalinda “Rose” at Jaime Seno, parehong 50 taong gulang ng Malagasang Imus, Cavite.

Isinisisi nila ang pagkamatay ng kanilang anak sa maling pamamaraan ng eskwelahan nito.

Ang kanilang anak na 20 taong gulang ay biglang namatay. Siya ay si Lorena. Si Lorena ay isang ‘special child’ (slow learner). Hindi tugma ang kanyang ‘mental age’ sa kanyang edad.

 Nag-aaral siya sa St. Odilard High School. Kahit na ganon ang sitwasyon ni Lorena siya ay masipag mag-aral, masayahin at palakaibigan.

Dalawang buwan na lang matatapos na sana siya sa pag-aaral.

Ika-15 ng Enero, 2010, bandang alas 5:00 ng hapon dumating ang ‘service van’ ni Lorena. Lulan ang dalawang guro na sina Ms. Myla, Grade III teacher at si Ms. Weng na naka assign sa library.

Sumigaw ang driver na si Chris, “Ate dali! Si Lorena… may nangyari kay Lorena!”

Mabilis na tumakbo si Rose. Nagulat na lang siya ng makita ang anak na nakahiga sa mga ‘bags’, nakanganga at walang malay.

“Bakit dito niyo dinala? Dalhin natin siya sa ospital,” wika ni Rose. Agad na bumalik si Rose sa kanilang bahay upang kumuha ng pera.

Habang nasa loob ng van kinausap ni Rose ang dalawang guro.

Nang tanungin niya ang mga ito kung bakit hindi agad dinala sa ospital, ang sagot umano sa kanya’y, “Akala namin may family doctor kayo?”.

Sumagot naman si Rose ng, “Ano ba naman ang family doctor eh emergency na ito! Dapat dumiretso na kayo sa ospital, tina­wagan niyo ako para dun na lang tayo nagkita.”

Depensa naman ng mga guro, wala daw silang cellphone at tanggapin na lang daw na may ganong sakit si Lorena.

 Ginawa ni Rose ang lahat magising lang ang anak. Pinagsasampal niya si Lorena subalit wala pa ring nangyayari. Pinasakan din niya ito ng panyo sa bibig ngunit hindi na nito kinakagat.

“Matigas na ang baba niya. Pilit kong minumulat ang kanyang mga mata pero wala pa rin,” pahayag ni Rose.

Sinugod nila sa Our Lady of the Pillar Medical Center si Lorena.

Pagdating dun, diretso si Lorena sa ‘emergency room’. Pilit na diniinan ang kanyang dibdib para tumibok muli ang kanyang puso. Nilagyan siya ng ‘oxygen’ subalit hindi na umano ito tina­tanggap ng kanyang katawan. Napatingin si Rose sa ‘heart monitor’, isang tuwid na linya ang napansin niya. Hindi na tumitibok ang puso ni Lorena, patay na siya.

“Halong galit at sakit ang naramdaman ko nun. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Mahirap tanggapin dahil kung naagapan sana baka buhay pa ang anak ko,” pahayag ni Rose. 

Kwento ni Rose, hirap ang dinanas ng anak niya sa service van dahil nakasara ang pinto, tambak ang bag at dalawa lang ang bukas na bintana. Kulob ito kaya mas lalong hindi nakahinga si Lorena at hindi na nadugtungan pa ang buhay niya.

Ayon sa death certificate, “sudden cardiac death” ang ikinamatay ni Lorena. (Bakit kailangang may sudden pa?)

“Sana matulungan ninyo ako dahil pakiramdam ko kung hindi ganon ang pagka-manage nila sa nangyari sa anak ko baka naligtas pa ang kanyang buhay,” wika ni Rose.

Alam ni Rose na kailangan nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak kaya ang unang ginawa niya ay lumapit sa aming tanggapan.

Inere namin ang kanyang istorya sa aming programa sa radyo “Hustisya Para sa Lahat” sa DWIZ 882khz (tuwing 3:00-4:00 ng hapon)

Inirefer namin siya sa Public Attorney’s Office (PAO) Imus Cavite upang maasistehan si Rose sa kanyang reklamo.

Reckless imprudence resulting to homicide’ ang maarimg isampang kaso sa St. Odilard School.

SA MGA MAMBABASA NG CALVENTO FILES, sa isang ‘heart attack’ ang unang 20 minutos ay pinakamahalaga para maisalba ang buhay ng biktima.

Sa nangyari dito kay Lorena sa halip na idiretso sa ospital ay idinaan muna siya sa kanilang bahay nitong mga guro kung tama nga ang kwento ni Rose sa amin.

Ilang minuto din ang nasayang mula sa paaralan hanggang sa bahay nila Rose. Ma traffic pa papunta sa ospital dahil ‘rush hour’ nun. 

Sa paglalarawan ni Rose, si Lorena’y parang isang bagahe na ibinalibag na lamang sa loob ng van kasama ng mga bags.

Ang eskwelahan na ito ay dapat may ‘clinic’ at may ‘nurse on duty’ kapag ‘school days’ at ‘school hours’. Sa kwento ni Rose, walang ganun.

Dapat sana meron kayong mga guro na nagsanay sa ‘Red Cross’ upang may maasahan sa oras ng ganitong emergency. Wala… walang ganun… walang nakatulong sa bata. 

Nabaliwala ang kasabihan na ang eskwelahan ay ang pangalawang tahanan ng ating mga anak dahil kung ating susuriin ang kwento ni Rose ang gusto ng ‘school authorities’ ay ibalik ang responsibilidad sa magulang sa kanilang inasal na inihahatid ang bata at nagtatanong tungkol sa ‘family physician’.

Anong klase naman kayo dyan? Sabihin na nating ang bata ay talagang inatake at ito’y isang ‘massive heart attack’.

Kung ginawa lang ninyo ang lahat ng nararapat bilang mga guro at skul officials at hindi parang naghuhugas kamay lamang kayo eh di sana bandang huli, walang dapat sisihin at papuri lamang ang inyong aanihin.

 (KINALAP NI AICEL BONCAY

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 maari din kayong tumawag sa 6387285. Maari din kayo magpunta sa aming tang­gapan 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

Email: [email protected]

KANYANG

LORENA

LSQUO

ROSE

SI LORENA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with