^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang rebelyon

-

IBINASURA ni Quezon City Regional Trial Court Judge Vivencio Baclig ang kasong rebelyon laban kina Andal Ampatuan Sr., kanyang mga anak, kamag-anak at supporters. Sa 18 pahinang desis­yon, sinabi ni Baclig na kulang sa mahahalagang elemento ng public armed laban sa pamahalaan kaya nadismis ang kaso. Walang nakitang rebelyon laban sa mga akusado. Ipinag-utos ni Baclig na palayain ang mga sinampahan ng kasong rebelyon. Ganunman, hindi naman sila maaaring palayain sapagkat meron pa silang kinakaharap na multiple murder charges dahil sa pagkakasangkot sa pag­masaker sa 57 katao, 30 rito ay journalists noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao.

Sa pagkakabasura ng kasong rebelyon, hindi kaya maapektuhan ang murder charges na isi­nampa laban sa mga Ampatuan? Posibleng mang­yari ito. Kung ang rebelyon ay nalusutan, maaaring malu­sutan din ang murder charges. Maaaring ikonekta ang murder charges sa kasong rebelyon. Isa pang labis na nakapagtataka na may kaugnayan sa kaso ng mga Ampatuan ay ang kontrobersiya sa pagkaka­deklara ng martial law sa Maguindanao. Hanggang ngayon hindi pa nareresolba ng Supreme Court ang validity ng pagkakadeklara ng martial law doon. Idineklara ni Mrs. Arroyo ang martial law makaraang salakayin ng mga sundalo ang bahay ng mga Am­patuans at nakakumpiska ng mga armas. Maraming nahukay na armas na sapat para sa batalyon ng sundalo. Pero ngayong sinabi ng QCRTC na wala ngang public armed, paano ipaliliwanag ang pagde­deklara ng martial law. Lumalabas na walang legal na basehan ang martial law.

Maraming nagtaka sa biglaang pagdedeklara ng martial law at ang kara-karakang pagsasampa ng kasong rebelyon sa mga Ampatuan. Para bang mayroon nang “nilulutong” paraan para maiwasan ng mga akusado ang kasong murder. At lalo nang umiigting ang hinala sapagkat ang mga Ampatuan ay matibay na kapanalig ni Mrs. Arroyo. Noong 2004 elections na naging kalaban ni Mrs. Arroyo si Fer­nando Poe Jr. sinasabing na-zero ang Hari ng Peli­kulang Pilipino sa Maguindanao.

Habang unti-unting napapawalang-sala ang mga Ampatuan, nagngingitngit naman ang mga kaanak ng biktima at kasabay niyon ay nangangamba rin baka isang umaga, ang kasong murder na isinampa ay nalusaw na. Posibleng mangyari.

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

BACLIG

KASONG

MAGUINDANAO

MARAMING

MRS. ARROYO

POE JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with