Erap at Jinggoy, No.1 sa Nueva Ecija

SI Presidente Erap at re-electionist senator Jinggoy Ejer­cito Estrada ay todo ang pasasalamat sa suporta ng mga lokal na opisyal at residente ng Nueva Ecija sa kanila at sa buong tiket ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP).

Libu-libong katao ang masayang sumalubong sa pagbisita ng PMP sa lalawigan, partikular sa mga loka­lidad ng Cabanatuan, Cuyapo, San Jose, Nam­picuan at General Natividad.

Ayon kina Mayor Librado Santos ng bayan ng Genera­l Natividad at Vice Mayor Kokoy Salvador ng lungsod naman ng San Jose, “number one” sina Erap at Jinggoy sa mga “Novo Ecijano”.

Si Erap ay number one sa lalawigang ito noong halalang pampanguluhan ng 1998, gayundin si Jinggoy at ako sa aming pagkandidato sa pagkasenador at pati rin si yumaong Fernando Poe Jr. (FPJ) noong 2004 presidential election.

Napakamakabuluhan ng naturang ginawang pag­bisita ng PMP kung saan ay personal nilang inalam ang mga pangangailangan ng lalawigan na kailangang-kailangan nang matugunan.

Ang Nueva Ecija ay tinaguriang “rice granary of the Philippines” dahil sa pagbibigay nito nang pinaka­malaking ani ng bigas sa bansa. Noong termino ni Erap ay isinulong niya ang ibayong pagpapaunlad ng mga palayan at ng buong sektor ng agrikultura sa lalawi­gang ito pero noong ina­gaw sa kanya ang poder ay pinabayaan na ito ng su­munod na administrasyon.

Ayon kay Erap, sa kan­yang pagbabalik sa Mala­ca­ñang ay muli niyang ipatutupad ang “comprehensive development plan” para sa Nueva Ecija na magta­taguyod naman sa Pilipinas bilang “number one exporter of rice” taliwas sa naging pagbagsak ng agrikultura ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kung saan ay naging “number one importer” tayo ng bigas dahil naging napakahina ng ani.

Binigyang-diin nina Erap at Jinggoy na tinata­naw nilang napaka­laking utang na loob ang patuloy na pagsuporta ng mga taga-Nueva Ecija kaya prayoridad nila ang pagbi­bigay ng sapat na tulong at tunay na serbisyo sa na­turang lalawigan.

Show comments