^

PSN Opinyon

'Mentally abused wife(?)'

- Tony Calvento -

MARAMING MGA KABABAYAN nating mga Pinay ay nagiging biktima ng pambububog ng kanilang mga banyagang asawa pagtagal ng kanilang pagsasama. Masakit para sa isang asawa itong maging “battered wife”.

Meron din namang pang-aabuso kung saan hindi pisikal kundi mental ang ginagawang pananakit at ito’y higit na mahirap. Sila ang mga tinatawag na “psychologically battered wives!”                       

Isang Science Teacher ng Manggahan High School na si Sylvia de Guzman ay nagsadya sa amin upang idulog ang umano’y pagiging isang “psychologically battered wife” ng kanyang kapatid na nasa ibang bansa ngayon.

Ang tinutukoy ni Sylvia ay ang kapatid niyang si Virginia Moy o “Ghinn”, 28 taong gulang na kasalukuyang nakabase sa Whyalla, South Australia.

Taong 2004 ng pinareha kay Ghinn ng isang kaibigan si Douglas Moyses, isang “businessman na Australian National”.

Kagra-graduate lang ni Ghinn ng mga panahong iyon sa kursong ‘German Language’dahil ang isang pinakamimithing pangarap ni Ghinn ay ang makapunta sa Germany.

Kalagitnaan ng taong 2004, ng isama si Ghinn sa Blue Rock Resort sa Subic ng kanyang kaibigang Pilipina na may asawa ring Australian. Dito niya personal na nakita si Douglas mas kilala sa tawag na ‘Dougs’.

48 gulang itong si Dougs, hiwalay sa unang asawa at kasalukuyang naghahanap ng mapapangasawang Pinay.

Mayumi, maganda’t matalino itong si Ghinn kaya naman na­gustuhan siya agad ni Dougs. Sa Blue Rocks nagligawan ang dalawa. Nagkarelasyon sila at mabilis naman nabuntis si Ghinn kaya’t dun na din kinasal sila sa Subic.

Nakarating agad kay Sylvia ang balita agad na pumunta si Sylvia sa Subic kasama ang ina nilang si Flor na noo’y nasa Maynila upang makilala ang magiging asawa ng kanyang kapatid.

“Okay naman siya ng kami’y mag-usap, wika ni Sylvia.

Nagrenta ng apartment sina Dougs at Ghin sa Makati. Anim na buwang namalagi si Dougs sa Pilipinas, bumalik rin siya sa Whyalla. Umuwi naman siya agad sa bansa bago manganak si Ghin.

Nang makapanganak si Ghin inasikaso agad ni Dougs ang birth certificate nito para sa ‘petition papers’ ng kanyang mag-ina.

Umuwi agad si Dougs sa Whyalla at inasikaso ang mga kinakailangang papeles para makuha sina Ghinn at Baby Charlize.

Taong 2005, naisama na ni Dougs ang mag-ina sa Whyalla. Naging maayos ang mga unang taon ng pagsasama ng mag-asawa. Nakilala ni Ghinn ang pamilya ni Dougs na malugod naman siyang tinanggap.

Nasundan pa ang kanilang panganay ng isang anak na lalaki na pinangalanan naman nilang Zachary.

“Tuwing tatawag si Ghinn sa akin panay ang kwento niya sa mga bata. Masaya daw siya sa Australia!” pahayag ni Sylvia.

Hindi naputol ang komunikasyon nila Sylvia at Ghinn. Araw-araw kung magpapadala ng mensahe sa e-mail itong si Ghinn.

Oktubre 2009, tumawag si Ghinn kay Sylvia upang ibalitang magbabaksyon silang magpamilya upang dito magpasko.

Naging mas madalas ang pagme-mail at ‘chat’ nila Ghinn at Sylvia. Nobyembre 2009, nagulat nalang si Sylvia ng mabasa ang message ni Ghinn.

“Ate parang hindi na kami matutuloy umuwi ng mga bata dahil nag-aaway kami ni Dougs! Sinasaktan niya ako! Binubugbog... kung ituring niya ako parang hindi niya ko asawa! Inaalila niya ako dito!”

Disyembre 2009, tumawag si Dougs kay Dylene sa ‘cell phone’ para sabihing ihahatid niya ang kanyang mag-ina sa airport.

“Sabi ni Dougs dapat sa Dec. 15, 5 AM daw nasa airport na kami, dahil 5 o’clock ang lapag ng eroplano,” kwento ni Sylvia.

Alas dos palang ng madaling araw umalis na ng bahay sina Sylvia sa sobrang pananabik kay Ghin at mga bata.

Bandang alas 5 ng madaling araw nagtext umano si Dougs sa kanila at nagtatanong “Is Ghinn arrived?”

Sinabi niyang wala pa roon ang mag-iina. Matapos umano ng kanyang text ay kung anu-ano na umanong mensahe ang kanyang natanggap.

“Your sister is mentally ill, she cannot take good care of the kids!” mga umanoy text ni Dougs.

Alas diyes na ng umaga subalit wala pa rin si Ghinn. Isa-isa nilang inaabangan ang mga bumababang babaeng may kasamang bata subalit walang Ghinn na nagpakita.

Tinawagan ni Sylvia ang cellphone ni Ghinn at Dougs subalit hindi na nila ito sinasagot. Tinext niya rin si Dougs kung kasama niya ang kanyang kapatid subalit sagot nito wala dun ang kanyang kapatid, hindi na umano niya kasama si Ghinn at hindi niya alam kung nasaan na ito.

Dumaan na ang Pasko at Bagong Taon subalit wala silang naging balita sa mag-iina. Hanggang nung Enero 2010, nakatanggap nalang umano siya ng text mula kay Ghinn na nagsasabing, “Ate, di ako natuloy umuwi hindi sa akin binigay ang bata. Mas pipiliin ko makita ko lang ang mga bata kesa umuwi ako dyan na di ko alam kung saan dadalhin ni Dougs ang mga anak ko.”

Halata ni Sylvia na hindi maganda ang kondisyon ng kanyang kapatid. Naikwento rin ni Ghinn na sumasailalim siya sa isang ‘psychological treatment’ dahil sa dami ng problemang kanyang kinakaharap.

“Madalas sabihin ng kapatid kong magpapakamatay na siya. Malaking naging epekto sa kanya ng paghihiwalay nila ni Dougs,” sabi ni Sylvia.

Sa huling pakikipag-usap ni Sylvia kay Ghinn, sinabi nitong wala na sa Whyalla ang mga bata. Nilayo na umano ni Dougs ang mga ito sa kanya at dadalhin na umano sa Melborn.

Hindi malaman ni Sylvia ang tulong na maaring gawin sa kapatid kaya naman naisipan niya ng dumulog sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 (tuwing 3:00 ng hapon) ang istorya ni Sylvia.

Nakipag-ugnayan kami sa tanggapan ni Usec Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs upang maasistehan siya sa kanyang kaso.

PARA SA MGA MAMBABASA NG PITAK NA ITO, isa itong leksyon sa ating mga kababayan na hindi sa biglaang pag-aasawa ng ibang national na inaakala nating magbibigay sa atin ng magandang buhay ang magtatawid sa atin sa hirap. ‘Nothing beats an old fashion marriage’ kung saan kilala mo ng lubusan ang iyong pakakasalan at pati na rin ang kanyang pamilya.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landLine ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12NN. Maari din kayong tumawag sa aming 24/7 hotline sa numerong 7104038.

SA PUNTONG ITO nais kong pasamalatan si Mr. Frankie Co ng Sweet World Candies sa lahat ng tulong niya at sa pagbibigay ng mga COOL MINT CANDIES sa aming mga kababayan sa San Pedro, Laguna. Nung una akala ko pang bata lamang ang COOL MINT subalit ang lasa nitong methol ay tamang tama para sa summer at sa lalakeng nais na huminto ng paninigarilyo. Bagamat ang COOL MINT candies ay nagugustuhan ng mga bata, ito’y FOR ADULTS ALSO!

* * *

Email address: [email protected]

DOUGS

GHINN

KANYANG

NIYA

SYLVIA

WHYALLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with